Thursday, September 09, 2004

All in all, a huge P4 (per kwh) increase in electricity rates

From Abante:

3 pang power rate hikes
(Boyet Jadulco)

May tatlo pang nakabinbing dagdag singil sa kuryente ang nakatakdang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) hanggang sa susunod na taon.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Sen. Sergio Osmeña III sa pagsasabing ang 97¢ kada kilowatt hour (kwh) na dagdag singil ng National Power Corporation (Napocor) na inaprubahan kamakailan ay una lamang sa serye ng mga power rate hikes.

Sa Disyembre ay posible umanong isa pang 97¢ ang payagang maipatong sa singil ng Napocor at panibagong P2/kwh na hahatiin sa dalawang ‘basbas’ sa susunod na taon.

“All in all P4 (per kwh) ‘yan to be able to pay back their loans. Kung P3 lang, they can pay the interest but not the principal,” ani Osmeña.

No comments: