Wednesday, September 14, 2005

Mike Arroyo: Opposition "knockout" sa impeachment case

From Abante-tonite:

Kinastigo ng ilang senador ang pagmamayabang ng asawa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa pagkakabasura ng impeachment complaint sa Kongreso.

Ayon kay Sen. Sergio OsmeƱa III, lalo pang ginagalit ni Atty. Mike, naunang inakusahang nagmamay-ari ng Jose Pidal account, ang oposisyon at pinag-aalab ang damdamin ng mga anti-Gloria group dahil sa kayabangan nito.

Sa panalo ni Manny Pacquiao sa Staples Center, kaagad nagbitaw ng pahayag si Atty. Mike na ‘double knock out’ ang nangyari dahil unang na-knock out ang impeachment case at kasunod nito ang pagbagsak ng Mexican boxer na si Hector Velasquez.

Maging si Senate majority floor leader Francis Pangilinan, tinaguriang "Mr. Noted" sa nakaraang presidential canvassing, sinupalpal si Atty. Mike. "Mas mainam na tumahimik na lamang siya dahil di nakakatulong sa administrasyon ang pagyayabang lalo na kapag galing sa kanya na pinaniniwalaan ng publiko na sangkot sa maraming katiwalian, totoo man o hindi," ani Pangilinan.

Mayabang talaga itong si Jose Pidal aka Mike Arroyo.

1 comment:

Anonymous said...

The First Gentleman or any member of the first family, not even the President herself, should not bragg about the victory of the majority over the impeachment....
I have a feeling that this is not yet the end....
They may have the power now, pero d magtatagal, magsasalita ang mga tao, at sinuman ang sangkot sa bawat anomalya o bawat pagtatakip ng katotohanan ay bibigyan ng karampatang parusa.