Saturday, August 18, 2007

Adel Tamano, Artista na!

From Journal.com.ph:

GO spokesman, nakaw-eksena kina Sen. Jinggoy at LT

AGAW-EKSENA ang Genuine Opposition spokesperson na si Adel Tamano sa last shooting day ng Metro Manila filmfest entry na Katas ng Saudi nu’ng Huwebes ng gabi.

Sabi nga ni Lorna Tolentino, leading lady ng bidang si Senator Jinggoy Estrada, tinalbugan silang lahat ni Adel dahil ito ang pinalibutan at tsinika ng showbiz press. Hehe!

Ito ang screen debut ng 36-year-old na si Adel, na gumaganap sa guest role bilang barangay chairman na maninita sa maingay na pagka-karaoke ni Sen. Jinggoy (as OFW Oca) at ng mga kaibigan, kabilang si Bayani Agbayani.

Nagtawanan ang lahat habang nagri-rehearse para sa isang take dahil mistulang on cue ring bumanat ang bagyong si Egay nang simulan nina Sen. Jinggoy ang pag-awit ng Remember Me ni Renz Verano.

Matinee idol na matinee idol ang dating ng GO spokesman kahit pa may asawa na’t dalawang anak na lalaki.

Maging ang director ng Katas ng Saudi na si Joey Reyes, pabirong nagsu-swoon sa kaguwapuhan nito.

Hindi man full-time ang showbiz career, promising naman ang entrance ni Adel dahil nakatakda rin siyang umapir sa isang proyekto ng GMA Films.

No comments: