tag:blogger.com,1999:blog-3283894.post7192095159106916266..comments2024-02-27T16:18:24.470+08:00Comments on Philippine Politics Backup Site: Tribune Editorial: A continuing oppressionUnknownnoreply@blogger.comBlogger1125tag:blogger.com,1999:blog-3283894.post-22307978728892277552008-06-11T19:02:00.000+08:002008-06-11T19:02:00.000+08:00Tigilan na ang mga paninirang walang basehan!Matap...Tigilan na ang mga paninirang walang basehan!

Matapos mahatulan ng pagkakakulong at multa sa kasong libelo sa paninirampuri na ginawa niya, binalingan na ni Ninez ang hukuman na naghatol sa kanya.

Kung tutuusin, wala namang gagawing desisyon ang hukuman na igagalang itong si Ninez, matalo man siya o manalo. Kapag siya’s hinatulan (tulad ng nangyayari ngayon), sisiraan niya ang hukuman: kesyo kampi sa nagsakdal, kesyo mapaniil sa kalayaan ng pamamahayag (press freedom); kesyo nagpagamit sa pressure ng gobyerno. At kung siya’s pinawalang sala, ano naman kaya ang sasabihin nitong si Ninez? Na wala naman talagang magagawa ang hukom kundi ang i-abswelto siya? Na para bang may utang na loob ang korte na paniwalaan siya?

Sa ganang akin, may proseso sa ilalim ng batas para baligtarin ang mga desisyong inaakala mong mali. Subalit, di kabilang sa mga prosesong iyan ang yurakan ang hukumang nagbigay ng hatol.

Wala na talagang institusyong iginagalang itong si Ninez! Sana nama’y di niya sinasabing angat siya sa batas, na porke kalaban ka ng gobyerno ay may kalayaan ka nang labagin ang batas, tulad ng sa paninirampuri.Anonymoushttps://www.blogger.com/profile/10134246071415706357noreply@blogger.com