Meron pa bang Pilipino na naniniwala sa mga pangako ni GMA about "reconciliation"?
I remember the day after Edsa Dos, pinangako ni Gloria Macapagal Arroyo na she will unite this country and "heal the land" raw.
She started to fulfill her pledge by first arresting and treating President Joseph Estrada in a humiliating manner that angered Erap's supporters and even shocked some anti-eraps.
Result: Edsa Tres. Galit ito ng tao sa iyo GMA -- not only for the way you treated erap, but also for the undemocratic way an elected president was forced to step down by a small elite minority kahit na wala naman silang credible evidence na mai-presenta vs. erap.
You would think na after Edsa Tres, natuto na si pandak, pero hindi pa rin eh. Maybe she has learned not to mess with Erap again, pero puro paninira pa rin sa opposition ang nasa isip niya. Instead of Erap, naging iba na ang "flavor of the month" niya -- Opposition Senator Panfilo Lacson.
Malacanang funded and supported Victor Corpus' P12 Million smear job vs. Lacson in 2001. On August 5, 2001, pinasabog ni Corpus at Philippine Daily Inquirer ang bomba nila kay Lacson. Complete with "evidence" and "witnesses" ang mga bintang niya kay lacson. Yung mga kakampi ni GMA sa senado ay kaagad nagbukas ng imbestigasyon against their senate colleage. Talagang nagiging madumi na ang political atmosphere nung panahon na yon. Pero wala naman silang napatunayan. Naging malaking joke ang imbestigasyon kay lacson. Even the Inquirer had to admit that they never really had any evidence vs. lacson on the narcopolitics and money laundering issue.
Result: PDI's credibility took a BIG hit. At dito nalaman ng taongbayan na Bullsh*t lang pala ang "let's unite the country" rhetoric ni GMA.
Fastforward to 2004, nung nalaman ni GMA na tatakbo sa pagka presidente si FPJ, sinimulan na ng malacanang ang bogus na disqualification case ni FPJ, even forging documents para lang "mapatunayan" nila na hindi natural born citizen si FPJ.
Result: Hindi sila nagtagumpay. And this is a first sign for the voters na magiging madumi talaga ang eleksyon sa Mayo.
And now the latest victim: Dolphy. If the stories on his show's cancellation are true, at na cancel ang show ni Dolphy kapalit ng Manynilad agreement ng Malacanang at ABS-CBN, then isang malaking katarantaduhan ang ginawa ni Mrs. Arroyo kay Mang Pidol.
Porket ba kaibigan lang siya ni FPJ eh pwede mo nang ganyanin siya. Dolphy is loved by millions of Filipinos. You think na hindi sila magagalit sa ginawa mo? You think na hindi nila ilalabas ang galit nila sa eleksyon?
Mean-Spirited talaga si Ate Glo. Dapat nang pabagsakin ito.
Monday, March 22, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment