Friday, April 27, 2007

Angara believing his own propaganda

There it is again, the 12-0 mantra from the admin candidates. From Ellen Tordesillas:

Palagi pinagyayabang ng mga political operators ni Gloria Arroyo ang kanilang makinarya na siyang magpapanalo raw ng kanilang mga senatorial candidates kahit karamihan sa kanila ay sinusuka ng taumbayan.

Noong isang araw, nag-usap kami ni Sen. Edgardo Angara sa ABS-CBN at pinakita niya ang listahan ng mga probinsiya kung saan walang kandidato ang oposisyon. Marami yun dahil kulang nga sa pera ang oposisyon.

Sabi ni Angara, sigurado sa mga lugar na yun, sweep sila, 12-0 dahil yun ang sasabihin ng mga lokal na opisyal sa mga tao. Yun ang tinatawag na “command” votes.
.....
Inamin ni Angara na talagang popular ang mga kandidato ng oposisyon sa senador. Ngunit pinipilit niya na pagdating ng eleksyon, susundin ng taumbayan ang dikta ng kanilang mayor o barangay captain na mga taga-administrasyon.

Sabi ko, “Di, ibig sabihin noon, ang resulta ng eleksyon ay hindi talagang kagustuhan ng taumbayan.”

Sagot ni Angara, “Ganyan ang command votes.”

Iba yung local sa national elections, Mr. Angara So even if malakas ang isang local admin candidate sa lugar niya, it doesn't mean na mananalo rin ang mga admin senate bets (NATIONAL) sa lugar na yon, much less 12-0 bokyahan for TU--unless there's garci like cheating in those places.

For example, LAKAS won the majority of the House seats in the 1998 elections, Pero si Erap naman ang nanalo ng NATIONAL presidential eleksyon noong taon na yon (LAMMP senate bets won 7 seats too out of 12.) But the Erap coalition managed to win only 64 seats in the House for a distant second place.

Image

Pero alam natin na naglipatan ang karamihan sa mga LAKAS sa panig ni Estrada after the elections.

Sabi ni Julio Teehankee:

After the election, LAMMP was reorganized into Laban ng Masang Pilipino (LAMP) and emerged as the new dominant party after the presidential victory of its candidate Joseph Estrada. Lakas suffered the same fate as its predecessor, the LDP, in the lower house. In spite of capturing the most house seats, its numbers quickly dwindled as members defected to the new administration party. The membership of LAMP swelled and the party was able to elect Manuel Villar (a former Lakas member) as the new speaker. Other political parties suffered defections as well.

Same thing happened in 1992. Mitra's LDP party won the most number of seats in the House w/ 86, with LAKAS in second with 40. But after the elections, LAKAS was able to expand it's membership to 119 after Ramos won the presidency.

Kung naging presidente si FPJ, malamang magsisilipatan rin ang mga kakampi ni Arroyo sa partido niya, o mag join sa koalition ng FPJ admin.

Like i said before, Angara and his ilk can condition the minds of some of their dumb supporters or discredited groups like NAMFREL or the PPCRV, but the reality is, more likely than not, their propaganda is laying the groundwork and for massive cheating operations all over the country pagdating sa senate elections (national).

1 comment:

Anonymous said...

Re: their propaganda is laying the groundwork and for massive cheating operations all over the country pagdating sa senate elections (national).

Goes without saying, John, sadly so...