Sabi ni Jake Macasaet, nabubulok na raw si Manapat sa Australia (doon siya itinago ng Arroyo admin para hindi makausap ng media at Opposition).
Noong kainitan ng kampanya sa pagka-pangulo noong Mayo 2004, nagpalabas ang gobyerno ng isang dokumento na nagsasabi na si Fernando Poe Jr. umano ay isang banyaga, isang Amerikano. Kaya nga wala siyang karapatan na kumandidato sa ano mang halalan.
Sinasabi ng batas na ang kandidato sa ano mang eleksyon ay kailangang natural born Filipino citizen. Sa utos ng Malacañang nagpeke si Ricardo Manapat, director ng National Archives, ng isang dokumento na nagsasabi na Amerikano si FPJ.
Dahil dito, huminto ng pagbibigay ng pera kay Fernando Poe Jr. ang ilang bilyonaryong negosyante. Dahil nasubo na at sa pag-aakala na darating pa rin ang malaking perang tulong para sa kampanya niya, nangutang ng malaking halaga si FPJ para matuloy ng maayos ang kampanya.
Sa bandang huli, inaprobahan pa rin ng Comelec ang kandidatura ni FPJ. Nag-apela ang gobyerno sa Korte Suprema. Pero sa botong 8 laban sa 6, sinabi ng Korte na natural born citizen si Fernando Poe Jr. Kaya tuloy ang kandidatura kahit utang na pera ang ginamit.
Dahil sa pagkalito, pati media inaway ni FPJ. Kaya naman bumagsak ang kanyang rating samantalang umakyat ang rating ni Gloria Arroyo.
Sa madaling salita, ipinandaya ni Manapat si GMA. Sa tulong ni Virgilio Garcillano, utak ng pandaraya sa Mindanao, nanalo si GMA.
Di ba dapat may gantimpala si Manapat? Wala. Ipinadala siya ng Malacañang sa Australia para hindi makausap ng media o ng Oposisyon. Hindi naman binigyan ng regular na sustento. Kaya naghihirap ngayon si Manapat.
Gusto na niyang bumalik sa Pilipinas. Hindi siya makauwi dahil sa takot na arestuhin siya.
Bakit naman aarestuhin. Tumulong na nga sa pandaraya gusto pa ng Malacañang ipakulong. Wala akong maisip na dahilan kung bakit nademanda si Manapat sa kasalanang forgery of public documents.
Totoo na nagpeke nga siya ng dokumento. Pero sino ang nag-utos? Di ba Malacañang para makinabang si Gloria Arroyo?
Para may pagka-Jok jok bolante ang istorya niya. if ever na nag-decide siya na gusto na niyang umuwi, he could do it "Garci style."
Related:
- Ricardo Manapat and his phony document (w/ photo)
1 comment:
Serves him right for selling his soul to the devil. Sising-alipin siya nagyon.
Post a Comment