Wednesday, July 29, 2009

Chiz Escudero seeking GMA's support for 2010

Buking si Escudero. From the Tribune:

Reacting to the biting criticisms made by Sen. Francis "Chiz" Escudero on President Arroyo’s ninth State of the Nation Address (Sona) delivered last Monday, presidential son Pampanga Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo, in a dzMM interview, slammed the senator, saying that while Escudero publicly criticizes his mother and her administration, he uses back channels to get his mother to support his presidential bid in 2010.

Arroyo also blasted Escudero for saying that his mother failed to give a categorical statement on her political plans, pointing out that if Escudero did not believe she is leaving Malacañang, why is he seeking his mother’s support for 2010?

Actually, matagal nang buking.

6 comments:

jontym said...

http://www.abante-tonite.com/issue/july3109/opinions_out.htm

Malaking intriga para sa oposisyon ang naging pahayag ni presidential son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo hinggil sa ilang presidentiables at vice presidentiables mula sa oposisyon na palihim na nanliligaw ng suporta sa kanyang ina para sa 2010 elections.
Malinaw na ang konteksto ng pagkakasabing ito ni Mikey ay dahil sa mga batikos na inaabot ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo mula sa kanyang mga kritiko partikular sa hanay ng mga presidential aspirants sa hanay ng oposisyon.
Kulang na lang na sinabi ni Mikey na mga ipokrito ang mga presidentiables na banat nang banat sa kanyang ina pero magpapasabi sa kampo ni GMA na “pang-media lang” ang kanilang mga batikos at hindi naman talaga taos sa kanilang puso ang pagbanat sa Pangulo.
Wala akong duda na may hibla ng katotohanan ang sinabing ito ni Mikey dahil marami naman sa ating mga pulitiko ang namamangka sa dalawang ilog (ang iba nga ay tatlo pa) para lang makatiyak na mananalo sila sa puwestong inaasinta sa susunod na eleksyon.
Kung ako ang tatanungin, hindi na kailangang sabihin ni Mikey kung sino sa opposition presidential candidates ang kanyang tinutukoy dahil sapat nang tingnan ang track record ng bawat isa para makita kung sino talaga ang oposisyon at kung sino ang baligtarin at madalas mamangka sa dalawang ilog.
Hindi ko maintindihan kung bakit lumutang ang pangalan ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na siyang pinatutungkulan ni Mikey gayung wala namang sinabing pangalan ang anak ni GMA.

jontym said...

Naisip ko na lang na mukhang na-special ops si Escudero ng kampo ng isang maperang presidentiable na kilalang hawak ang maraming taga-media, kabilang na ang isang mataas na executive sa radio station kung saan lumabas ang crawler sa teleradyo na binabanggit ang pangalan ng batang senador. May dahilan akong maghinala na sa kampo ng maperang presidentiable galing ang operasyon laban kay Escudero dahil sa isang dating kasamahan ni Chiz sa mababang kapulungan malimit kong marinig noon na hindi puwedeng pagkatiwalaan si Escudero dahil malapit kay Mike Defensor na kilalang “tuta” ni GMA.
Ang dating kongresista na dalawang beses na ring bu­maligtad (una kay Erap Estrada at ikalawa kay GMA) ang siya ring nagkakalat ng mga paninira kay Escudero at malamang na ginagawa niya pa rin ito hanggang ngayon lalo na’t nasa partido na siya ng maperang presidentiable.
Kung track record nga ang titingnan ay si Escudero lang (bukod kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na umatras na sa presidential race) ang maituturing na consistent na oposisyunista mula Enero 2001 nang matanggal sa puwesto si dating Pangulong Estrada at palitan ni GMA.
Sabihin pang bukod sa hindi palipat-lipat ng partido si Escudero (Nationalist People’s Coalition lang ang kanyang partido mula nang pumasok sa pulitika) ay siya lang (bukod pa rin kay Senador Lacson) ang nanatili kay Erap at tumakbo sa ilalim ng Puwersa ng Masa noong 2001 elections.

jontym said...

Maging si Senador Loren Legarda ay 2004 na lang naging oposisyon nang kumalas ito sa administration party Lakas-UMD para tumakbong bise-presidentw kay Fernando Poe Jr., sa ilalim ng United Opposition (nga­yon ay nasa NPC si Legarda at kapartido si Escudero).
Si Senador Mar Roxas ng Liberal Party naman ay dating alyado kay Erap pero kumalas dito pagkatapos ng pumutok ng jueteng scandal na naging mitsa ng pagbagsak ng Estrada administration. Naging pro-GMA si Roxas at tumakbo pang senador sa ilalim ng ticket ni GMA noong 2004 elections.
Naging oposisyon na lang si Roxas nang pumutok ang “Hello, Garci” noong 2005 at ang kanyang LP ang nanguna sa pagpapabagsak kay GMA sa pamamagitan ng “Hyatt 10” at ang pagkumbinsi kay Vice President Noli De Castro na ilaglag na si GMA at maging pangulo ng bansa.

jontym said...

Pinakahuling maging oposisyunista si Manny Villar ng Nacionalista Party dahil 2007 na nang bumalik siya kay Erap para tumakbong senador sa ilalim ng Genuine Opposition, kasama si Lacson at si Legarda.
Naka-apat na palit na rin ng partido si Villar mula Lakas-NUCD patungong LAMMP (Laban ng Ma­kabayang Masang Pilipino) noong 1998 para makatiyak na siya ang magiging House Speaker sa ilalim ng Erap presidency.
Pero ang pagiging House Speaker din ang ginamit ni Villar para traydurin si Erap at noong 2001 nga ay tumakbo si Villar sa senatorial ticket ni GMA (People Power Coalition) at nang maging senador ay lumipat agad sa Nacionalista Party kung saan siya ang pangulo ngayon.
Sa track record makikita sa mga presidential aspirants ng oposisyon kung sino ang pwedeng maging “Trojan horse” ni GMA. Kayo na ang bahalang magsabi kung sino ang pekeng oposisyunista.

Anonymous said...

that's a big revelation. but i doubt if it is true. why would Sen. Escudero criticize her in the public if he wants PGMA to support her? i just think that its not right for him to tell that.

missgiftsphilippines
gifts philippines

erapaquino said...

Ang laki nuon ng respeto ko kay Chiz, pero ngayon puro bulaklak lang pala ng dila ang lahat.

Mas bagay pa kay si Chiz na maging makata para maging kahanay man lang nya sana si Francisco "Balagtas" Baltazar at least may patutunguhan siya