Bangko nagsara
Sa gitna ng dinaranas na krisis sa pananalapi ng bansa, isang bangko ang iniulat na nagsara ng operasyon kahapon at pinangangambahang isang masamang senyal ito sa banking business at sa pangkalahatang economic impact sa bansa.
Simula kahapon ng umaga ay isinara sa publiko ang operasyon ng First Savings Bank branch sa Recto Ave. sa Divisoria at hinihinalang kalugihan ang ugat nito.
Nang hingan ng kumpirmasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nabatid na nagpupulong pa ang pamunuan ng First Savings Bank sa kanilang head office sa E. Rodriguez Sr. Ave., Quezon City at hinihintay pa ang opisyal na report ng bangko.
Tulad ng karaniwang eksena sa mga nakaraang pagsasara ng bangko o bank run, dinumog ng libu-libong depositors ang First Savings Bank dala ang kanilang mga libreta-de-bangko. Nabatid na wala umanong abiso man lang o pahiwatig ang bangko ukol sa kinakaharap nitong problemang pinansyal. Nagulat na lamang umano ang lahat nang hindi ito magbukas sa dalawang magkasunod na araw (simula Lunes).
Ang pangunahing pangamba ngayon ng galit na mga depositors ay kung paano nila makukuha nang buo ang kanilang inipong pera. Ilan sa mga ito ang nagsimulang magpakita ng karahasan kaya’t nilatagan ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) para protektahan ang bisinidad mula sa kaguluhang maaaring sumiklab.
Thursday, September 09, 2004
More signs of bad news
Not good at all.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment