Isang rebelasyon ang report ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) na kinomisyon kamakailan ng gobyerno para saliksikin ang kalagayan ng ordinaryong Pinoy dahil lumitaw rito na kabilang sa ‘top ten ulam substitute’ ang toyo at mantika para mapagkasya ang kakarampot na pera.
Sa naturang ulat, bumaba sa 42.6% ang laang budget ng bawat pamilyang Pinoy sa kanilang pagkain dahil sa hindi mapagkasyang kita.
Nakapaloob sa ‘top ten ulam substitute’ ang toyo, kape, mantika, asin, pulang asukal, bagoong, kondensadang gatas, powdered milk, softdrinks at powdered chocolate drinks.
Ngunit ang higit umanong nakakalungkot sa resulta ng pananaliksik, ayon kay Sen. Ralph Recto ay ang katotohanang tatlo sa bawat 10 batang nasa edad isang buwan hanggang limang taon ay mababa sa dapat nilang maging timbang (underweight) at halos nakakamukha na ni Gollums (karakter sa Lord of the Rings trilogy) sa kapayatan.
Kung magpapatuloy umano ang pagpapahirap ng gobyernong Arroyo sa mamamayan, sa anyo ng mga bagong buwis, ay hindi malayong sabaw na lang ng noodles ang maging pangunahing pamatid-gutom ng mga Filipino.
Tuesday, September 21, 2004
Ulam ng Pinoy: Tuyo't Mantika
This is what it's like now under the GMA adminsitration. Nakakalungkot.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment