Tuesday, November 09, 2004

Magbabalik Uling na ang Pinoy?

Sa sobrang hirap ng buhay at sa sobrang taas ng bilihin, IT'S POSSIBLE!

PINOY BALIK-ULING NA!

Hindi malayong bumalik na sa paggamit ng uling ang maraming pamilyang Filipino bunga na rin ng sunud-sunod at walang pagkaawat na pagtaas ng singil sa kuryente at halaga ng panlutong gas gaya ng liquefied petroleum gas (LPG).

Simula kaninang madaling-araw ay muling nagtaas ang Petron ng presyo ng gasolina at LPG.

Pagpatak ng alas-12:01 ng madaling-araw kanina, 50¢ kada litro ang ipinatong ng Petron sa diesel at P1 naman saiba pang uri ng gasolina at P1.50 kada kilo o P16 kada 11 kilogram ng cylinder tank ng LPG.

Ayon pa kay Fernando Martinez, chairman ng Independent Philippine Petroleum Corporation Association, posibleng pumalo pa sa P2 kada litro ang magiging price hike sa mga produktong petrolyo hanggang Disyembre na ilalatag sa sunud-sunod na adjustments sa mga susunod pang araw.

Kahapon ay inilutang ni Sec. Mike Defensor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pangambang bumalik na sa kultura ng uling ang mga Pinoy dahil sa hindi makayanang presyo ng gas.
Yikes!

No comments: