Sabi ni Ellen Tordesillas:
Kalasanan naman talaga ang abortion. Tama ang simbahan doon. Ang problema lang sa posisyon ng simbahan, ayaw nila gumamit ang mga Kristiyano ng contraceptives katulad ng pills. Para sa kanila abortion o pagkitil ng buhay pa rin yun.
Ngunit sa akin, karapatan pa rin ng simbahan isulong ang kanilang prinsipyo. Kaya lang dapat consistent sila. Hindi yung piliin lang nila ang gusto nilang kautusan ng Panginoon na susundin.
Ang isa pa rin na utos ng Panginoon ay : Huwag mag-nakaw. (Thou shalt not steal.).
Si Gloria Arroyo ay nagnakaw ng boto na hindi para sa kanya noong 2004 elections. Bago pa diyan, inagaw niya ang pagka-presidente noong Enero 2001. Walang pinagka-iba yun sa panghu-hold up.
Bilyung-bilyon na pera ng taumbayan ang kanyang ninanakaw at ginagamit para lamang manatili siya sa kapangyarihan. At marami siyang galamay sa Kongreso na ganun din ang gawain.
No comments:
Post a Comment