Nagsayang lang ng oras itong si Vice Admiral Mateo Mayuga sa kanyang ginawang imbestigasyon sa isyu ng paggamit ng military sa pandaraya noong 2004 eleksyon.
Anim na buwan kuno niyang ginawa. Wala naman pala siyang ginawa. Whitewash ang ginawa niya.
Labinlimang pahina raw ang summary at sobra raw isang talampakan ang kakabit na mga annexes. Sinabi sa report na 70 raw na tao ang kanilang ininterview. Wala naman sa report kung ano ang tinanong at kung ano ang sagot.
Ngunit walang sinabi tungkol sa narinig natin sa Hello Garci tapes na sinabi ni Comelec Commissioner ang partisipasyon ng mga opisyal katulad ni Army Chief Hermogenes Esperon,Army chief Maj. Gen. Hermogenes Esperon, Southern Command chief Maj. Gen. Gabriel Habacon, at retired Lt. Gen. Roy Kyamko.
Wala rin sinabi bakit inalis si Brig. Gen. Francisco Gudani, ngayon retired sa Lanao noong kainitian ng canvassing, na hindi pumayag magpagamit sa dayaan.
Walang sinabing may kasalanan. Ngunit ito ang nakakatuwa: sinabi ni Mayuga na tingnan raw ang papel na ginampanan ng mga miyembro ng military bilang mga election deputies at dapat raw magkaroon ng imbestigasyon sa mga sundalo na sangkot sa ano mang paglabag ng batas.
Ano? Di ba yun ang dapat ginawa niya?
Tuwang-tuwa siguro sina Arroyo, Mayuga, Senga, Esperon na naisahan na namn nila ang mga naghahanap ng katotohanan tungkol sa pandaraya na ginawa ni Arroyo noong 2004 eleksyon. Siympre nang lumabas yun walag reaksyon dahil sarado ang halos lahat ma Tv, radio at diyaryo. Kung mayroon man bukas, kuaresma ang palabas.
‘Yan ang akala nila.
Bakit, naiba na ba ang paniniwala ng mga sundalo na naka-alam ng pandaraya na ginawa nila noong eleksyon? Sabi nga ng isang Marine officer, “Binaboy nila kami.”
Noong Aug. 2005, naglabas ang Young Officers Union ng listahan ng mga opisyal sa military at pulis na sangkot sa pandaraya noong 2004 eleksyon para panlunin si Arroyo. Maliban kay Esperon, Habacon, Kyamko at noon ay PNO Chief Hemogenes Ebdane.
Ito pa ang pinangalanan ng YOU.
· Brig. Gen. Nehemias Pajarito, then colonel and commander of the 104th Brigade assigned to Sulu’s first district
· Brig. Gen. Nelson Allaga, then colonel and commander of the 3rd Marine Brigade assigned to Sulu’s second district
· Navy Capt. Feliciano Angue, then head of Naval Task Force 62 operating in Tawi-tawi and now Navy operations chief
· Marine Lieutenant Colonel Fred Pelonia, commanding officer of the 1st Marine Battalion based in Tawi-tawi
· Marine Lieutenant Colonel Elmer Estopin, commanding officer of the 10th Marine Battalion based in Sulu
· Army Colonel Rey Arde
· Army Colonel Aminkadra Undog
· Col. Gominto Pirino
· a Captain Perez
Karamihan sa mga ito ay nabigyan na ng promosyon. Si Allaga ay marine commandant na. Ganyan ang magigiting na sundalo ni Gloria Arroyo
Monday, April 17, 2006
The Mayuga Whitewash
From Ellen Tordesillas:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment