Sabi ni Ellen tordesillas:
Wala na bang ibang pwesto na maibigay si Gloria Arroyo kay retired AFP Chief Generoso Senga at ilalagay siya bilang chairman ng National Broadcasting Network?
Sabi nga ni Sen. Rodolfo Biazon, "Bakit hindi ambassador?" Si Vidal Querol, dating National Capital Region commander ng Philippine National Police ay ginawa niyang ambassador sa Indonesia.
Noon, si dating AFP Chief Efren Abu ang sinasabing ipadala sa Indonesia dahil classmate niya and Indonesian President. Baka may ibang pwestong nakalaan kay Abu.
Lahat kasi ng nagre-retire na opisyal ng military at PNP ay binibigyan ni Arroyo ng trabaho dahil malaki ang utang na loob niya sa kanila sa kanyang pananatili sa kapangyarihan kahit siya ay hindi naman hinalal ng sambayanang Pilipino at siya ang pinakakinaiinisang Pangulo sa buong kasaysayan ng Pilipinas.
Sa dami ng mga nagre-retire na opisyal ng military at police na binibigyan ng posisyon sa ibang ahensya ng gobyerno, militarization of the bureaucracy na ang nangyayari.
In a way, these moves tend to strengthen Arroyo's grip on power dahil kontrolado na ng mga loyalist military ni Arroyo ang bawat sulok ng gobierno, and these generals and military people are less likely to switch sides cuz the corrupt GMA and her military cohorts are all in the same boat together.
No comments:
Post a Comment