Tuesday, June 21, 2005

CBCP: We don't support Archbishop Cruz's Juetengate expose

The Church is still strongly behind Gloria Macapagal Arroyo.

CBCP kay GMA pa rin

(Romeo Braceros Jr.)

DAVAO CITY --- Sa dami ng kontrobersyang hinaharap ngayon ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patuloy na sumusuporta sa kanya ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay CBCP president Archbishop Fernando Capalla hindi sinusuportahan ng CBCP ang ginawang jueteng exposé ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz.


"I would like to note that Archbishop Cruz is doing it alone. He told me that he is not going to involve the CBCP on this matter," ayon kay Capalla sa pakikipagpanayam sa mga mamamahayag dito.

Sinabi pa ni Capalla na walang malakas na ebidensya na mag-uugnay sa Pangulo at sa kanyang pamilya sa jueteng dahil ang akusasyon ay pawang ‘hearsay’ lamang.

Ayon pa sa obispo sa halip na manawagan ng pagbibitiw ng Pangulo, dapat maging pasensyoso at madasalin na lamang ang mga Filipino. "We can still do something about it. We have to dialogue, however, long and tedious, but it is the only effective way to solve the problem," pahayag pa ni Capalla.

5 comments:

Anonymous said...

isa lang ibig sabihin non. since the CATHOLIC CASTILLAN MISSIONARIES arrived here in the Philippines, they have brought with them GREED, CORRUPTION, and DECEPTION.

the modern Philippine Catholic Church is still the same. nagmula sa parehong kahoy, siyempre ganoon din ang bunga.

ang dali nilang mag acusa kay ERAP noon, kay Marcos.

bakit nagbago ang tono nila. Instead of asking this GMA who keeps on mocking the Pinoys by pretending that she can convince investors to come here by pretending that everything that is happening is just a destabilization plot, wish ko lang mag pakabait na siya.

honestly, this is not just about the catholic church... even other churches are keeping mum.

When they tried hard and their best to install GMA via EDSA 2 and accused ERAP of every accusation they can think of... hindi nila sinabi na magdasal na lang tayo... instead they kept on pointing a finger to EStrada and even implying that people who voted for him did a very incorrect thing.

and now, sa mga pangyayari ngayon... JUETENG, pagpatay sa mga media men, at the biggest of them all: GLORIAGATE SCANDAL... ang sinabi lang nila: mag dasal na lang tayo coz we don't know the truth.

HELLO! NAGbulag-bulagan na naman ba kayo? o napahiya lang kayo dahila ng iniluklok nyo sa puwesto ay masahol pa sa tinanggal ninyo! nakakahiya kayo!

kaya wag na kayong magtaka kung bakit a lot of people are not taking the church seriously.

magbagong buhay na kayo! tulungan nyo na kami mabawi ang mga boto namin sa magnanakaw! tulungan nyo kaming malaman ang totoo at maparusahan ang magnanakaw!

Anonymous said...

nakakahiya maging katoliko ngayon kung ang inyong mga lider ay hindi naninindigan sa katotohanan. ipagdasal.

Anonymous said...

NAKAKAHIYA NAMAN ANG MGA BISHOP NA UMAYON PA SA KASINUNGALINGAN NG MGA PINUNO NG KA AWA-AWANG BAYAN SINO PA ANG MAGSISIMBA SA MGA SIMBAHAN NIYO KUNG ITO ANG IPINAKIKITA NIYO SA MGA TAONG BAYAN. THERE'S NO SUCH THING AS LESSER EVIL..PAREHO LANG LAHAT YAN, ANG SA AKIN LANG NAGKASALA KA SA TAONG BAYAN, TANGGAPIN MO ANG ANG NARARAPAT MONG PARUSA KAGAYA NI ESTRADA. HINDI NA DAPAT PAGTAKPAN ANG KASALANAN NI GLORIA.

Anonymous said...

Bishop Capalla kumilos ka na bago mag kamatay ang mga mahihirap na taong bayan ng pilipinas.hindi ka ba inusig ng budhi mo sa pag ayun mo sa mga kasinungalingan ng inuluklok niyo sa puwesto, magkano ba ang tinatanggap mo at ng mga kasama mong bumoto diyan sa mabahong administrasyon ni gloria, baka naman pati jueteng pasukin mo na rin. ka-awa awang Bishop CRUZ.

Anonymous said...

Bishop Oscar Cruz Ituloy mo ang laban para sa iyong bayan at sa ating simbahan ng katoliko, marami ng nadadamay na pari at tauhan ng simbahan sa pamumuno ng walang awang Bishop Capalla na yan,kunsintidor ng kasamaan.dapat sa iyo mag-resign ka na rin sabay kay GLORIA...Pinagtatawanan na tayo dito sa America, Dahil divided na ang CATHOLIC FAITH.