Statement from Progay:
Bishop Cruz, pinagtanggol ng ProGay
DINEPENSAHAN ng militanteng organisasyon ng mga bakla at lesbiyana si Bishop Oscar Cruz, Arsobispo ng Lingayen-Dagupan, laban sa itinuturing ng grupo na pakanang “gaybaiting in aid of character assassination” na inilatag sa paring nagpasabog ng iskandalong jueteng ng pamilyang Macapagal-Arroyo.
“Mariing kinokondena ng ProGay ang sobrang halatang niluto na mga paratang laban kay Obispo Cruz para palabasin na siya ay isang baklang molestyador. Tiyak na ito ay pakana ng mga vested interest na gustong mamatay na ang isyu ng jueteng ng administrasyong Gloria Arroyo, at ito nga ay sa pamamagitan ng character assassination para mailigaw ang isyu,” ani Mykel Falguera, kalihim ng pambansang samahan ng mga homosexual.
Ayon sa ProGay, tinututulan nito ang masamang praktika ng mga naghaharing partido pulitikal na magpasabog ng homophobic na iskandalo o gaybaiting para siraan ang kanilang mga katunggali sa pulitika.
Dahil sa gaybaiting, nadadamay ang dangal at reputasyon ng karaniwang bakla at lesbiyana at siyang dahilan kung bakit tumitindi ang homophobia, diskriminasyon at abusong sekswal sa kanilang hanay.
Dagdag pa ni Falguera, kung tunay ang mga paratang ng lumitaw ng nagpakilalang si Jaime “James” Aquino ay dapat ito ay idinadaan sa proseso ng korte at hindi sa trial by publicity sa harap ng mass media.
“Hindi namin itinatatwa ang katotohanang maraming pari at pastor na sangkot sa pangmomolestiya ng mga menor de edad. Ang clergy sexual abuse ay mahalagang usapin na dapat harapin ng Iglesya Katolika at ng pamahalaan pero ang taktika ni Aquino ay hindi nakakatulong para malutas ang maraming kaso ng imoralidad sa loob ng iglesiya. Sa kabaligtaran, ginagawa nitong irrelevant ang mga kaso. Kung sino man ang may pakulo nito, dapat na nilang iatras ang kanilang pekeng manok na pinakawalan laban kay Bishop Cruz,” sabi ni Falguera.
Sa kaugnay na balita, lalahok ang ProGay sa mga kilos protesta bukas kasama ng mga oposisyon at militanteng kilusan para ipaglaban ang karapatan ng mga bakla sa lipunan at para sa demokratikong pagbabago. Nais din ng gay rights group na lumahok ang mga homosexual sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng wiretapping scandal na bumabalot ngayon sa rehimeng Arroyo.
More here.
On the other hand, the Progressive Organization of Gays in the Philippines (ProGay) branded Aquino's accusations as "gay baiting in aid of character assassination."
"We are certain that this is the handiwork of interest groups who want the jueteng controversy to die down via character assassination that would muddle the issue," said Mykel Falguera, ProGay secretary general.
ProGay also accused the administration of using a homophobic-based scandal to get back at its perceived political opponents.
"The honor and reputation of common homosexuals are affected by gay baiting. This is the reason why there is increased homophobia, discrimination and sexual abuse against them," Falguera said. Margaux C. Ortiz, Gobleth Moulic, Vincent Cabreza, Norman Bordadora
No comments:
Post a Comment