criteria for judging:
40% "commercial viability"
40% artistic and technical excellence, and global appeal
20% Filipino cultural values
no wonder nanalo ang "Enteng Kabisote 3" ng best picture this year-- it's only award.
On the fourth day of the two-week festival, “Enteng” has posted the highest earnings at the tills so far at P59.4 million, while “Kasal” was second with P42.3 million.
Still, “Kasal” brought home the lion’s share of the awards that evening, winning six other trophies: Best Director, Original Story and Screenplay (for Reyes); Best Actress (Judy Ann Santos), Best Supporting Actress (Gina PareƱo) and Best Original Theme Song (Yeng Constatino’s “Hawak-Kamay”). It also won two special honors: Most Gender Sensitive Film and the Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
From Ed de Leon:
MARAMI ang natawa na lang sa ginawa nilang regulasyon na ang pagpili sa best picture ay batay sa kinita ng pelikula.
Saang festival, at saang bayan kaya sa buong Mundo, maliban dito sa Metro Manila, ang may ganyang regulasyon sa best picture.
Para silang congressmen na gagawa ng regulasyong sarili lang nila para mapa-litan ang konstitusyon at mapigil ang eleksiyon. Gumawa sila sa festival ng ganyang regulasyon, saan naman nila nakuha na ang best picture ay ‘yung kumikita? Kahit na saan, ang best picture ay ‘yung pinakamahusay ang pagkakagawa.
Baliktad na yata ang ilong niyang mga nagpa-patakbo niyang festival na iyan. Patunay lang na ang mga nagpapatakbo ng festival na ‘yan ay walang nalalaman sa pelikula at sa artistic merits ng pelikula.
More: MMFF ’06 makes official RP cinema’s demise
From the same People's Taliba article: Milyun-milyong kinita ng nag-hit na MMFF 2006 entries imbento lang?
KUNG titingnan natin ang partial reports na inilabas ng festival committee na kinita diumano ng mga pelikulang kasali sa filmfest, hindi tayo maniniwala.
Itatanong kasi natin kung bakit sa loob ng isang buong taon, nangamote ang mga pelikulang Pilipino. At kahit na nga ‘yung sinasabing pinakamala-king hit nitong 2006, ‘yung pelikula nina Robin Padilla at Regine Velasquez, na nang ilabas ay wala pang kasabay na ibang pelikulang Pinoy, hindi kumita nang ganyan kalaki, eh, hit na iyon ha!
Tapos dito sa festival, para bang kinita ng isang
pelikula sa isang araw lamang ang box-office returns ng isang hit movie sa loob ng isang linggo.
Unang tanong: Gaano kalalaki ba ang sinehan na pinagpalabasan ng mga pelikulang iyan para kumita sila ng ganoon kalaki?
Ikalawang tanong: Sa pagbabayad kaya ng mga sinehan at ng producers na iyan ng tax, idideklara ba nila ang ganyan din kalaking kita o lalabas na ang katotohanan na niloloko lamang ng festival committee ang mga tao para magkaroon ng bandwagon effect at mas manood pa sila ng sine sa pestibal?
Ikatlo: Kung ganyan kalaki ang kinita ng mga pelikula sa festival, at kung iisipin na ikatlong bahagi niyan ang nakukuhang amusement tax, dapat hindi bumaba sa isandaan at limampung milyon ang ibigay nila sa beneficiaries, dahil kung hindi may magtatanong na kung saan nila dinala ang pera, pati na iyong milyun-milyong kinita nila mula sa kanilang sponsors sa festival.
Isa pang itatanong natin: Magkano ba ang ibinabayad ng mga kumpanyang lumalabas na co-presentors niyang festival na iyan sa MMDA? O baka naman kumikita pa ang mga co-presentors na iyan. Hindi kasi maliwanag kung bakit nagkaroon ng co-presentors iyang festival samantalang dati namang mga tauhan lang ng industriya ang gu-magawa ng lahat ng iyan at hindi binabayaran.
Interesting.
No comments:
Post a Comment