TINIYAK ng aktor na si Richard “Goma” Gomez na tatakbo siya sa halalan ngayong May 2007.
Sa panayam ng dzBB, sinabi ni Goma na kumpirmadong tatakbo siya sa eleksyon subalit pinag-iisipan pa niya kung anong posisyon sa gobyerno ang papasukin.
Inamin naman ng aktor na nakausap na niya ang ilang opisyal ng lalawigan ng Bulacan kung saan naiulat na maaari siyang tumakbo bilang gobernador subalit hindi pa pinal ang kanyang desisyon.
Kasama sa pinagpipiliang posisyon ni Goma ay ang pagiging senador na ayon sa aktor ay tipo niya dahil buong Pilipinas ang mapaglilingkuran niya sakali mang manalo sa halalan.
“Luzon, Visayas at Mindanao ay puwede mong tulungan at saka mas gusto ko ang legislative work,” saad pa ng aktor na dati na ring tumakbo bilang kinatawan ng Mamamayan Ayaw sa Droga party-list group.
Nang tanungin kung ano ang kanyang tututukan sa pagpasok sa mundo ng pulitika, sinabi nito na nais niyang buhayin at palakasin pa ang kampanya ng gobyerno laban sa mga bawal na gamot.
My advice to Richard is to run for Mayor first, like Estrada or Rey Malonzo. Or for vice governor/governor, like Lito Lapid or Bong Revilla.
I don't think Goma will be selected under by the Coalition to be a candidate for Senator. Which probably means Gomez has a good shot at becoming an administration candidate, kung gusto talaga niyang maging senador.
No comments:
Post a Comment