Maglulunsad ng signature campaign ang kampo ni People’s Champ Manny Pacquiao upang kontrahin ang kanyang mga kritiko na kontra sa pagtakbo sa Kongreso ng boksingerong idolo ng masa.
Ito ang impormasyong nakalap ng TONITE kung saan isang milyong signature umano ang balak na kalapin ng mga supporters ni Pacquiao na sisimulan anumang araw ngayon.
Layunin ng naturang signature campaign na ipakitang marami pa ang nagtutulak kay Pacquiao na tumakbo bilang congressman sa unang distrito ng South Cotobato.
Nabatid na isasagawa ang signature campaign sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil kung aasa lamang ito sa mga residente ng naturang distrito ay hindi aabot sa isang milyon ang makakalap na lagda.
Ayon kay South Cotobato Rep. Darlene Antonino-Custodio, umaabot lamang sa 250,000 ang botante sa kanyang distrito kaya malamang na hindi sa kanilang lugar mangangalap ng lagda ang mga supporters ni Pacquiao kundi sa ibang lugar tulad ng Manila.
"Wala akong ideya sa impormasyon na iyan pero kung sakali, baka hindi sa district ko sila mangangalap ng lagda dahil more or less two hundred fifty thousand lang ang botante sa amin," ayon kay Antonino-Custodio.
Ayon naman sa impormante, gagawin ng kampo ni Pacquiao ang signature drive dahil sa kaliwa’t kanang batikos na inaabot ng People’s Champ sa desisyon nitong kumandidato sa Kongreso.
Subalit naniniwala ang impormante na mahihirapan ang kampo ni Pacquiao na makakuha ng isang milyong lagda dahil lahat ng mga bumabatikos sa pagpasok nito sa pulitika ay ang kanya mismong mga tagahanga.
"Kung dadayain ang signature baka sobra sa isang milyon ang makukuha nila. Kung malinis, baka walang lalagda kasi nais pa ng kanyang mga fans na ipagpatuloy niya ang kanyang boxing career at naniniwala ang mga tao na wala siyang magagawa sa Kongreso," ayon sa impormante.
And the true fans of Manny Pacquiao could also launch a similar signature campaign to urge Manny not to run and ask him to continue concentrating on his boxing career instead of being used as a tool by the ARroyos, Lito Atienza and Chavit Singson.
I'm sure more than 3 to 5 times pa yung signatures na makukuha sa "Please don't go into Politics, Manny" signature campaign kaysa sa "Run, Manny, Run" sig campaign ng mga Atienzas at Malacanang.
No comments:
Post a Comment