Thursday, February 22, 2007

Tukayo ni Cayetano, kargador sa pier?

Joselito "Peter" Cayetano, kargador sa pier?

Ibinulgar kahapon ni reelectionist Sen. Panfilo "Ping" Lacson na isang estibador o kargador sa pier ng Davao City ang tukayo ni opposition senatorial candidate Alan Peter Cayetano, na si Joselito Cayetano, alyas Peter.

Ayon kay Lacson, kandidato ng Genuine Opposition (GO), malinaw sa impormasyong ibinigay ng kanyang asset sa Davao City na isang kargador umano sa pier si Alyas Peter Cayetano, ang kandidatong inampon ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), sa pamamagitan ni Atty. Oliver Lozano.

Isang lider ni Lacson sa Davao City ang nagkumpirmang isang kargador umano sa pier ang tukayo ni Cong. Cayetano, na nangangahulugan aniyang malaking kasinungalingan ang pagiging Marine engineer nito, katulad ng press releases ng kampo ni Lozano.

"Kilala siya ng isa sa mga lider ko sa Davao dahil ito raw iyong taong nagsanla sa kanila ng lupa sa may gawing Parola compound sa Davao," ani Lacson sa isang press conference sa Pampanga.

Aniya, hindi rin totoong Peter ang palayaw ng tukayo ni Cong. Cayetano at lalong hindi rin "Jojo" kundi ‘Visayan version’. "Ang tawag nga raw sa kanya ay Juju at hindi rin Jojo," ani Lacson.


Ang labis na ipinagtataka ni Lacson ay kung bakit nagtatago si Juju Cayetano gayong trabaho ng isang kandidato ang mangampanya para manalo, at hindi aniya ang magpakanlong kay Lozano o sa sinumang kampon ng administrasyon, katulad ng pagtatago sa isang safe house.

Juju pala ang palayaw niya, hindi "Peter."

On Cayetano's Citizenship issue: Gonzalez butata sa citizenship ni Alan

Butata kahapon si Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzalez matapos kumpirmahin ng Bureau of Immigration (BI) na Pinoy si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano at hindi nila iniimbestigahan ang citizenship nito.

Sinabi ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez, si Cayetano ay nabigyan ng certificate of recognition bilang Filipino citizen noong taong 1992 sa panahon ni dating Commissioner Andrea Domingo. Ang naturang certificate ay kinatigan naman ni dating Vice President Teofisto Guingona na siyang tumatayong kalihim ng DOJ.

"In the 1972 and 1987 Constitutions, if either of your parents is a Filipino, you are a natural-born Filipino," pahayag ni Fernandez.


Itinanggi rin ni Fernandez na binubusisi ng BI ang citizenship ni Cayetano at sinabing ang mga tao na ideneklarang Pinoy, maging naturalized o natural-born Filipino man, ay hindi na iniimbestigahan pa ng kagawaran.

Ang kumpirmasyon ni Fernandez ay taliwas sa inihayag ni Gonzalez noong Lunes na inaalam nila ang rekord sa citizenship ng nasabing kongresista dahil umano sa sumbong na taglay pa rin nito ang alien certificate of registration.

Binigyan-diin pa ni Gonzalez na hinahanap nila ang mga dokumento ng nasabing pag-apruba ng DOJ dahil kung wala ito ay maaari pang madiskwalipika sa pagtakbo si Cayetano sa darating na eleksyon.

But Arroyo's COMELEC under Ben Abalos still seems to be in a fighting mode. Gimik lang raw yung pagku-kwestyon ni Alan Peter Cayetano yung desisyon ng COMELEC na tanggapin yung nuisance candidate na si Joselito "Juju" Cayetano.

“Gumigimik lang ni Congressman Peter Alan Cayetano nang kuwestiyunin nito ang kandidatura ng kaapelyido niyang si Jose Pepito Cayetano upang mapag-usapan,” Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Jr. said during a press conference in his office yesterday.

Abalos said Cayetano’s action questioning the other Cayetano could have been his political strategy so that everybody could talk about him and that it could help him in the coming election.

Rolleyes.

Previous:

- BongBong and Imee exposes Joselito Cayetano as a sham KBL candidate

=====

In other news: Party-list na pinasisibak nangunguna sa survey

NANGUNA sa pinakabagong survey ng Pulse Asia sa party-list groups ang mga militanteng organisasyon na nais ng pamahalaan na ipasibak sa Commission on Elections (Comelec) dahil nagiging “front” umano ng New People’s Army (NPA).

Base sa isinagawang survey noong Enero 25 hanggang 29, nanguna ang Bayan Muna matapos makakuha ng 16.4 porsiyento habang sumegunda naman ang Akbayan sa pamamagitan ng 9.1 porsiyento at pumangatlo ang Gabriela na nakakuha ng 8.8 porsiyento.

Kabilang rin sa ilang nanguna ang Angat Antas Kabuhayan Filipino Movement (AANGAT KA FILIPINO), 8.1%; Citizens Battle Against Corruption (CIBAC), 3.5%; Adhikain at Kalusugan ng Ordinaryong Tao Para sa Lupa, Pabahay, Hanapbuhay at Kaunlaran (AKO), 3.4%; Association of the Philippine Electric Cooperatives (APEC), 3.3%; at iba pa.

Hindi naman naisama sa survey ang grupo ng Anakpawis na kinakatawan ng bilanggong si Rep. Crispin Beltran.


=========

People's Journal: Richard Gomez appointment questioned

AN opposition lawmaker yesterday questioned the appointment of independent senatorial candidate Richard Gomez as special adviser on illegal drugs and narcotics of the House of Representatives.

Iloilo Rep. Rolex Suplico, in a statement, also urged the Commission on Elections to look into Gomez’s appointment.

Speaker Jose de Venecia, on Tuesday announced the appointment of Gomez as a partner of the Lower House in its campaign against illegal drugs.

According to Suplico, the law prohibits appointment of government officials and advisers during the election period.

“Hindi ko nakita ang appointment pero mukhang may sabit ‘yan kasi may ban na sa appointment nitong January pa lang,” Suplico said.


Gomez signed an agreement with De Venecia as consultant and adviser of the House committee on illegal Drugs chaired by Ilocos Norte Rep. Roque Ablan.

No comments: