Uh oh.
Uh, isn't Ignacio Bunye the guy who tried to fool the public and cover up for his boss by presenting the so-called "original"/"spliced" tapes back in June?
And now he's promoted as "media czar"???? SHOULDN'T HE BE IN JAIL INSTEAD FOR OBSTRUCTION OF JUSTICE?
UPDATE: Heh.
Bunye alaskado bilang media czar
(Rey Marfil)
--------------------------------------
Kasing-lapot ng kondensada ang natikmang pang-aalaska at kantiyaw ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye sa opposition bloc sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos ikunsiderang media czar ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Painsultong sinang-ayunan at sinuportahan ni Sen. Sergio Osmeña III ang appointment ni Bunye, kaakibat ang buweltang nababagay bilang media czar ang spokesman ni Arroyo dahil napakahusay magsinungaling.
Hindi lamang sa pagsisinungaling eksperto si Bunye, ayon kay Osmeña, kundi napakahusay nitong mag-manufacture ng ebidensiya, katulad ang pagkopya sa dalawang "Hello Garci" tapes na naunang iprinisinta sa Malacañang Press Corps (MPC).
Ayon kay Osmeña, karapat-dapat lamang si Bunye na bigyan ng reward o premyo ni Arroyo dahil napakamasunurin at ubod ng galing sa pagsisinungaling, katulad din ng kanyang amo tungkol sa "Hello Garci" tapes.
No comments:
Post a Comment