Sunday, October 16, 2005

The Philippines is vulnerable to terrorist attacks

from Jemaah Islamiyah (JI).

Unfortunately, with the way this illegitimate administration is behaving lately -- lashing out at it's critics, crushing dissent -- and talking re IMMINENT terrorist attacks in Metro Manila, baka maging self-fulfilling prophecy yan... know what I mean? ;)

And you know this administration will seize the first bombing incident as an excuse to impose either Martial Law or "State of Emergency" to solidify it's grip on power, ala Marcos, and pass the "Anti-Opposition" este "Anti-Terrorism" bill, para gamitin laban sa opposition at kritiko ng pekeng presidente na to.

It's sucks, isn't it? We know JI is a threat, but we can't totally trust this administration too.

But I won't make the same mistake the anti-erap opposition made back in 2000 when they wrongly blamed then president erap for the Rizal Day LRT bombing. We now know na walang kinalaman ang Estrada admin diyan at si JI member Fatur Roman Al Ghozi ang responsable sa terrorist attack.

This time, kung may bomba na sumabog, dalawa ang main suspect ko: Jemaah Islamiya at Arroyo Administration.

From Abante-Tonite:

AFP DAPAT BANTAYAN SA METRO BOMBINGS

Ni BERNARD TAGUINOD

--------------------------------

Mismong kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagpahayag na kailangang bantayan ang kilos ng militar sa mga susunod na araw dahil sa posibilidad na magkaroon ng madugong mga drama para mapalabas na totoo ang inilutang na nasa Metro Manila na ang tatlumpu’t tatlong miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI).

Sa panayam, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon, dapat na maging mapagmatyag ang taumbayan dahil kapag nagsalita ang mga awtoridad tulad ng babala na magkakaroon ng bombahan ay nagkakatotoo.

"Kinakabahan ako kapag may nagsasalita sa kanila na magkakaroon ng bombahan, may bomba talagang sasabog!" pahayag ni Macarambon kung saan hindi lamang isang beses nang nangyari kundi marami na.

Magugunita na ibinabala rin ng mga awtoridad ang Metro Bombings at noong Valentine’s Day noong nakaraang taon ay isang bus ang tinaniman ng bomba na hanggang ngayon ay hindi pa nadarakip ang may gawa.

Lalong kinabahan ang mambabatas nang ilutang ng Department of National Defense (DND) ang presensya umano ng 33 Indonesian nationals sa Metro Manila na pawang mga miyembro ng JI.

Dahil terorista ang grupong kinabibilangan ng mga nasabing dayuhan, sinabi ni Macarambon na posibleng magkaroon ng terorismo sa Metro Manila at isisisi sa mga dayuhang ito.

"Ano ang ginagawa ng mga terorista, hindi ba nagbobomba?" tanong ni Macarambon subalit ang ikinakatakot nito ay mismong ang DND ang naglutang sa impormasyong ito kaya malamang na pinaghahanda ang taumbayan sa mga hindi magandang senaryo.

Ipinaliwanag ng mambabatas na malamang na patutunayan ng mga awtoridad na mayroong talagang mga terorista sa Metro Manila at ito ang kanyang ikinatatakot na senaryong magaganap.

Naniniwala ang mambabatas na ang paglutang ng mga ganitong impormasyon ay may kinalaman sa Anti-terror bill para makumbinsi ang taumbayan na suportahan ang nasabing panukala.

Gayunpaman, nanatiling kontra si Macarambon sa nasabing panukala dahil tiyak na ang AFP, PNP at mga nakaupong opisyales ng gobyerno ang magiging makapangyarihan sa bansa kapag nagkataon.

UPDATE: Dean Jorge Bocobo of Philippine Commentary has an excellent post on Islamic Terrorism and "Anti-Terror" Bill that Arroyo wants to pass.

1 comment:

Deany Bocobo said...

it's hard to decide what's true anymore.i think the claim that JI honchos were in Mindanao was credible because that Mindanao site of Bob Martin's keeps reporting that Aussie and American troops are prowling around. But i think the claim that they are in Manila is a stretch. but if that is true, it means the palace is willing to use the war on terror to wage a war on the opposition.