Nabatid sa impormante na sinabi umano ni Arroyo sa mga opisyales ng iba’t ibang sektor ng lipunan na kanyang pinulong na wala umano itong kasalanan sa pagpapataw ng EVAT sa langis at kuryente.
Direktang itinuro umano ni Arroyo ang kanyang mga dating gabinete, partikular na ang mga miyembro ng tinaguriang Hyatt 10 na kumalas sa kanya tulad ni dating Finance Secretary Cesar Purisima.
"Wala raw siyang kinalaman sa EVAT sa energy at power sector. ‘Yung mga dati daw niyang Gabinete ang sisihin dahil sila daw ang nagtulak sa buwis na iyan," ang dismayadong pahayag ng impormante.
Nang makarating ito sa mga miyembro ng oposisyon, lalong nagpuyos ang galit ng mga ito dahil ngayon pa lamang ay naghuhugas na umano ng kamay si Arroyo dahil alam niyang lalong magagalit sa kanya ang taumbayan kapag naipatupad na ang EVAT sa November 1.
Kapal.
"Domino effect" sa paghugas kamay?
Roxas, hugas-kamay din sa E-VAT law
(Rey Marfil)
Nagkaroon ng "domino effect" ang paghugas-kamay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa implementasyon ng Expanded Valued-Added Tax (EVAT) Law matapos kopyahin ng sariling kaalyado sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na bumoto ng pabor sa bagong buwis ang pag-iwas pusoy nito.
Upang hindi mapulaan ng publiko kapag nagsimulang ipatupad sa Nobyembre 1 ang EVAT, ginawang palusot ni Sen. Manuel Roxas III, chairman ng Senate committee on trade and commerce, ang pagtakda ng public hearing upang i-monitor ang paggasta ni Arroyo sa makokolektang buwis.
Si Roxas, dating kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI), ay kabilang sa 16 na miyembro ng Upper House na bumoto ng pabor sa EVAT Law habang siyam ang kumontra, sa pangunguna ng opposition bloc, kabilang si Sen. Joker Arroyo.
Ipinatawag ni Roxas ngayong umaga ang iba’t ibang lider ng consumer group upang talakayin ang paghahanda sa magiging epekto ng EVAT, kaakibat ang pangambang lu lustayin ng gobyerno ang makokolektang buwis at maling paraan ng paggamit nito.
No comments:
Post a Comment