Sunday, October 16, 2005

Attention Lito Atienza!

Grabe ang traffic kanina sa may Sta. Cruz, Manila area dahil may mahabang Sto. Nino/Mama Mary procession kaninang 6:00pm Oct. 16 sa may Carriedo area. Ang masama pa nun, there was one point when the marchers were just standing there, nobody was moving -- which meant traffic was not moving too! I know because I was there.

So bakit nakapag-martsa ang mga ito? Why didn't you call your police thugs and have them beaten up and arrested? Bakit hindi nyo sila binombahan ng tubig katulad ng recent anti-Arroyo rally sa may Mediola?

O you say, well binigyan ng mayor's office sila ng permit para gamitin ang kalsada. If that's the case, then why can't you Mayor Atienza do the same thing at bigyan rin ng permit ang mga anti-Arroyo protesters/marchers sa Mendiola? Eh peaceful naman yung rally nila.

Lumalabas kasing may double-standard dito eh. O baka naman sipsip ka lang kay Mrs. Arroyo, Mr. Atienza?

2 comments:

Deany Bocobo said...

Anong nangyari kaya sa lahat ng mga letrato noong mga rally last week? Sa TV parang kuha nang kuha ang mga paparazzi, pero tingnan mo naman yung front page ng PDI kahapon, mga bulaklak at bata ba yun?

Sana magkaroon ng website puno ng mga letratong sinusupress nang main stream media.

john marzan said...

Anong nangyari kaya sa lahat ng mga letrato noong mga rally last week? Sa TV parang kuha nang kuha ang mga paparazzi, pero tingnan mo naman yung front page ng PDI kahapon, mga bulaklak at bata ba yun?

Sana magkaroon ng website puno ng mga letratong sinusupress nang main stream media.


You mean this frontpage? Heh. May picture pa ng cute na dinosaur sa lower fold.

I agree btw re the pictures. The world needs to see them para malaman nila kung anong nangyayari dito. Lalo na since it is expected that there will be more rallies against Arroyo in the future, and more opportunities for Arrroyo's cops to practice their CPR.