From Ed de Leon of Taliba:
NOONG isang araw ay nakakuwentuhan namin ang manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo.
Nakapag-taping na raw pala si Juday sa bagong TV series nito. At nang makabuo na sila ng series para sa dalawang buwan, itinigil muna iyon para gawin naman ng aktres ang isang pelikula.
Dapat nga raw, ngayong buwang ito na magsisimula sa ere ang serye ni Juday sa telebisyon, at sa susunod na buwan naman ilalabas ang kanyang pelikula.
Pero, mukhang magkakaroon nga raw ng delay. Ang latest daw na nasabi sa kanya, baka sa Enero na ipapalabas ang TV series ni Juday, at iyong pelikula naman, depende siyempre kung kailan mata-tapos.
Pero, nasabi nga namin na baka maging advantage pa iyon ng serye at pelikula ni Juday.
Sa ngayon, na ipinatutupad na ang E-VAT, napaka-uncertain ng lahat. Ayaw gumastos ng mga tao. May epekto pa iyan sa sister companies ng ABS-CBN na Meralco at NLEX na parehong magtataas na naman ng singil.
Eh, kung ngayon sasabay ng showing ang pelikula ni Juday at ang serye niya sa telebisyon, walang ka-duda-duda na iyan ay tatamaan ng impact niyang E-VAT na iyan. Baka madamay pa sa pagbagsak ng ekonomiya natin si Juday.
Kung magkakaroon ng delay, kahit na mga ilang buwan lang, baka naman masanay na ang mga tao sa mataas na presyo kahit na hindi naman tumaas ang suweldo nila.
Baka sakaling kahit na hirap na sila sa buhay ay masanay na silang lalong mag-hirap, at maisipan na nilang manood naman ng sine, o manood kahit na papaano sa telebisyon. Kagaya rin iyan ng Metro Manila Film Festival na tiyak na tatamaan ng impact ng E-VAT.
Sanayan lang yan.
No comments:
Post a Comment