Maski pala hindi na opisyal ng pamahalaan, kaya pa ring tanggihan ang Senado, bagama’t hindi sakop ng E.O. 464. Iyan ang natuklasan ng Komite sa Agrikultura na pinamumunuan ni Senador Jun Magsaysay nang sila’y ilang beses pinalusutan nitong dating pangalawang kalihim ng Kawanihan ng Agrikultura, si Jocelyn "Joc-joc" Bolante.
Doon sa unang pagdinig sa kontrobersya ng 729 milyon "fertilizer scam" kung saan diumano ang pondo ay napunta lamang sa panggastos sa eleksyon noong 2004, hindi na sinipot si Magsaysay nitong si Joc-joc, na ni hindi nga matagpuan ng kanilang mga tauhan. Wala raw sa bahay sa Ayala Alabang. Ang mga opisyales naman ng kawanihan ng agrikultura na inimbitahan din sa Senado ay pawang hindi sumipot, dahilan ng E.O. 464. Tanging mga magsasaka ang sumipot, kaya’t walang malinaw na kinahantungan ang imbestigasyon.
Read it all.
4 comments:
hahahahayop talaga ang mga ito. dapat siguro magbigay na tayo ng BOUNTY para sa kahit na inpormasyon man lang kung nasaan ang mga uod na yan!
hahahahayop talaga ang mga ito. dapat siguro magbigay na tayo ng BOUNTY para sa kahit na inpormasyon man lang kung nasaan ang mga uod na yan!
The Senate already know where Jocjoc was, pero ayaw lang um-attend ni Mr. Bolante
Noong nakaraang linggo, napag-alaman ng mga tauhan ng Komite ni Magsaysay na ito raw si Bolante ay nasa isang kumbensyon ng Rotary Club sa Westin Philippine Plaza. Ngunit pagpunta nila rito ay pinigilan sila mismo ng mga security guards ng Westin at mga opisyal ng Rotary. Matapos ang isang oras na paghintay, hinarap sila ng abogado raw ni Bolante, walang iba kundi si Antonio Zulueta. Tinanggap nito ang subpoena, pero pag-aaralan pa raw niya kung haharap si Bolante o hindi sa Senado.
Matatandaan na ito ring si Zulueta, na bayaw ng kasalukuyang kalihim ng pananalapi na si Gary Teves, ang siyang abogado ni Iggy Arroyo, ang nagtangkang umamin na siya raw si Jose Pidal, mismo sa Senado rin. Ito ang abogadong nagpayo kay Arroyo/Pidal na huwag sumagot sa mga katanungan ng mga senador, at gamitin ang kanya raw "right to privacy". Na sa malaon ay tinanggap naman ng tagapangulo ng Blue Ribbon Committee na walang iba kundi si Joker Arroyo.
Malinaw sa mga nagdaang pangyayari na babastusin na lamang ni Gloria at kanyang mga alipores ang anumang pagdinig sa Kongreso na susubuking alamin ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersyang kinasasangkutan niya o ng kanyang pamilya at mga opisyales. Sa madaling salita, gamit ang E.O. 464 o ang karapatan man ng mga dating opisyal na ngayon ay pribadong mamamayan na, kinapon na ni Gloria ang Kongreso.
Kasama naman ang CPR na panlaban sa mga parliyamento ng kalsada, malinaw na binusalan na ni Gloria ang paglahad ng katotohanan. Kinapon ang parliyamentong hinalal; kinakapon din ang kalsada. Kung ito ay tinatawag pa nating demokrasya, ewan ko kung saang sibilisadong bansa sa sandaigdigan maaring tanggapin ang ganito.
More here on Bolante:
http://www.tribune.net.ph/headlines/20051026.hed04.html
Talagang very effective ang paraan na ito para di mabuko ng harapan. Sigurado akong ganito palagi ang gagawin nila kapag malapit na mabuking mga anomalya nila.
Talagang very effective ang paraan na ito para di mabuko ng harapan. Sigurado akong ganito palagi ang gagawin nila kapag malapit na mabuking mga anomalya nila.
Kung gov't official ka, may EO 464. Kung wala ka naman sa gobierno, itatakas ka nila sa US... LOL.
Post a Comment