Sa budget hearing ng Committee of the Whole, nakatikim kahapon ng sabunang walang banlawan si DOH Acting Secretary Francisco Duque, dating presidente ng Philippine Health Insurance (Philhealth) na isinasangkot sa paggamit ng Philhealth card ng nakaraang kampanya, matapos mabulgar na pati alokasyon sa family planning program ng gobyerno ay hindi pinatawad ng mga kawatan sa gobyerno.
Ang panibagong eskandalo na nakalkal sa opisina ni Duque ay ibinulgar ni Senate pro-tempore Juan Flavier nang matuklasang winaldas lamang ng departamento ang pondong nakalaan sa family planning, katulad sa conference ng Couples For Christ (CFC).
Wala aniyang ginawa ang mga kinatawan ng CFC, isang religious group na kilalang malapit kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kundi magsagawa ng mga conferences at training seminars, gamit ang pondo sa family planning.
Look, I have nothing against ULTRA-conservatives. Pero I don't think it's a good idea na i-appoint ang mga "backward" people na to sa MTRCB or sa DOH.
Kaya ang taas ng population growth natin eh, hindi seryoso ang Arroyo admin sa population control programs nila. The fake president is allowing the Church to dictate the policies on Family planning.
(at ito na rin siguro ang isa sa dahilan kung bakit ayaw iwanan ng CBCP si Arroyo. Malakas talaga ang impluensiya nila. Tapos may allowance pa sila sa PAGCOR, LMAO!)
More: Budget sa family planning, busisiin
No comments:
Post a Comment