-- From Lito Banayo on GMA taking credit for all the "good news"
Una nang pinagalitan ng Donya ang media bilang mga "bad boy", dahil palagi na lamang daw inilalathala ang mga negatibong isyu at pagbatikos sa kanya. Hindi raw pinapansin ang magagandang kanyang nagawa. Ang kaso nga e halos wala namang maganda.
Sinegundahan ni Bunye. At ngayon naman ay si Mike Defensor. Hindi naman daw kailangan ang magandang balita ukol sa pamamahala ni Donya. Basta’t magandang balita, ok na. E hindi nga ba’t kapag nananalo si Manny Pacquiao, o di kaya’y ang pagkawagi ni Precious Lara Quigaman sa Miss International, banner ng lahat ng pahayagan? Ano pa ba ang magagandang balita? Hindi ba’t nang tumaas ang palitan ng piso kontra sa dolyar, tinampok naman sa telebisyon, sa radyo at sa pahayagan? Kaya nga lamang, inangkin ng Donya na dahil ito sa kanya, at sa kanyang EVAT, na alam naman ng lahat na hindi totoo. Ito’y dahil sa mga remittances ng ating OFW ngayong palapit na ang Pasko. Kaya’t mismong si Joey Salceda na dakilang tagahanga ng Donya sa Kamara, naalibadbaran sa pinagsasasabi ng kanyang dating guro.
May dagdag pa ang pangungutya ni Defensor. Balitang showbiz na lang daw ang ipagkalat ng media. Tutal iyon daw ang tanging hilig ng sambayanan, mga magagaan at mababaw na balita. Ininsulto pa ang taumbayan.
You forgot to mention that this administration took the credit for the drop in oil prices too. Due to the implementation of E-VAT raw, LOL.
No comments:
Post a Comment