Saturday, January 14, 2006

Totoo kaya ito?

RAMOS may hawak raw na alas kay GMA.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkumpirmang isa lamang sa maraming baraha ni Ramos ang panawagang magsakripisyo si Mrs. Arroyo para sa ikabubuti ng Pilipinas at panunumbalik sa tiwala ng mamamayan.

Aniya, matutulig si Mrs. Arroyo, sampu ng mga kaalyado nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kapag inilabas na ni Ramos ang isa pang alas na magsisilbing mitsa para mapuwersa itong bumababa sa trono.

Ang alas na hawak ni Ramos ay isa umanong malaking eskandalo kung saan may dokumentong pinaghahawakan ang dating Pangulo laban kay Arroyo.

"Ang pagpapababa ni GMA ay isa lang sa mga baraha ni FVR. May baraha pa siya tungkol sa graft laban kay GMA," anang mapagkakatiwalaang source ng TONITE.

Hindi, aniya, dapat magpakasiguro si Mrs. Arroyo sa bawat galaw ni Ramos, katulad ang pakikipagbeso-beso sa harap ng camera dahil unti-unti nang "hinahawan" ng dating Pangulo ang mga balakid sa daraanan ng Pangulo palabas ng MalacaƱang.

Ewan ko lang ha, kasi kahit na totoo ito, makapal talaga ang mukha ni ARroyo eh, at hindi yan basta basta bababa unless you drag her out of Malacanang by the hair kicking and screaming.

Yung mga corrupt officials nga na GMA na katulad nina Garcillano at Joc joc Bolante ay nabibigyan ng special protection ng Malacanang, at yung mga Heneral naman na sangkot sa GLORIAGATE ay nabibigyan ng promotion... it only shows na corruption and cheating and criminality pays in this admin.

No comments: