Bagama’t hindi itinuturing na banta, desidido si House Speaker Jose de Venecia Jr. na umalis sa Pilipinas kapag nabigo itong maamyendahan ang Saligang Batas at palitan ang sistema ng gobyerno.
Ito ang walang takot na pahayag ni De Venecia sa isang panayam sa telebisyon kahapon kaugnay ng kanyang isinusulong na Charter Change (ChaCha) na umano’y nagkakaroon na ng liwanag matapos ang pagkakasundo nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Fidel Ramos.
Ayon kay De Venecia, tanging ang ChaCha na lamang ang pag-asa para makaahon sa hirap ang Pilipinas subalit kapag hindi nagkaroon ng katuparan ito ay mapipilitan na lamang umano siyang umalis ng bansa.
"Wala na. We might as well migrate," tugon ni De Venecia nang tanungin ng TV anchor kung ano ang gagawin sakaling mabigo siyang maamyendahan ang Saligang Batas.
Well then, don't let the door hit ass on your way out Mr. de Venecia.
No comments:
Post a Comment