Sunday, January 29, 2006

The only way to remove Arroyo is by force

Just stating a fact, peeps.

You can't people power Arroyo yet because CPR prevents people from forming a big assembly. The only way left to remove the fake president is for people to forcibly oust the illegal malacanang occupant with the help of the military... like Edsa 1986 style.

Sa harap ng kawalang interes na bumaba sa puwesto at lantarang pagtatakip sa iba’t ibang eskandalong kinasasangkutan ng administrasyon, hinamon kahapon ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maging bulag at bingi sa pang-aapi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bagama’t walang direktang panawagan para sa isang malawakang pagkilos o paglulunsad ng kudeta, nanawagan si Lacson sa mga dating comrade-in arms na maging tunay na protektor o tagapagtanggol ng sambayanan, hindi ng iisang indibidwal lamang.

Ayon kay Lacson, suntok sa buwan kung kusang-loob magbibitiw ang Pangulo at wala ring pag-asa pang makausad ang isang bagong impeachment case sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil namumuro ang mga bataan ng palasyo.

Sa kawalan ng opsyon upang palitan si Arroyo, tanging pagkilos ng militar ang natitirang solusyon, ayon kay Lacson, kapag sobra na ang kaapihang naranasan ng publiko sa kamay ni Mrs. Arroyo.


"Kung nakikita nilang aping-api na ang Pilipinas, aping-api na ang mga Pilipino sang-ayon sa Saligang batas dapat na kumilos ang AFP para protektahan ang estado at mga mamamayan," ani Lacson.

Nakapaloob sa Saligang Batas, ayon kay Lacson, ang papel ng AFP bilang tagapagtanggol ng estado at mamamayan kung kaya’t legal ang gagawing pagkilos ng militar kung nakikita nitong sobra-sobra ang pang-aapi ni Mrs. Arroyo sa kanyang nasasakupan.

"Sana huwag mabigyan ng kulay. Ang isang posibleng option ‘yung nakasaad sa Constitution, ang AFP ay protector of the state and the people," ani Lacson.

And to the opposition, you need to be as ruthless as Mike ARroyo and Chavit Singson.

No comments: