Tulad ng National Power Corporation (Napocor) at ilang Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs), pagbagsak na rin ang Metro Rail Transit Corporation (MRTC) kaya ikinukonsidera na ng pamunuan ng nasabing kumpanya na itaas sa P72 ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT).
Sa kasalukuyan ay P15 ang pasahe sa MRT-3 subalit dahil nababaon na umano sa utang ang MRTC ay pinag-iisipang itaas ito sa P72 upang makapagbayad ng obligasyon ang kumpanya.
Sa kanilang pagharap sa Kamara, sinabi ni MRTC General Manager Roberto Lastimoso na buwan-buwan ay nagbabayad ang kumpanya ng $3.3 million subalit umaabot lamang sa P130 milyon ang kanilang kita.
Gayunpaman, nagdadalawang-isip ang grupo ni Lastimoso kung itutuloy o hindi ang fare hike sa MRT-3 dahil posibleng hindi na sila tangkilikin ng mga commuters kapag nagkataon.
Isa pa umano sa nagpabaon sa MRT ay ang pagbaba ng piso kontra dolyar dahil noong pirmahan ang kontrata sa pagtatayo at operation ng MRT ay P27 lamang ang palitan subalit ngayon ay umaabot na sa mahigit P52 ang kapalit ng isang dolyar.
Dahil dito, ipinanukala na lamang ni Lastimoso at abogado ng kumpanya ng si Atty. Paul Daza sa mga kongresista na bilhin na lamang ng gobyerno ang MRT-3 upang resolbahan ang problema.
Agad naman itong kinontra ni ParaƱaque Rep. Roilo Golez dahil babalikatin ng sambayanang Filipino ang problema ng MRT-3 kapag nagkataon bukod pa sa mangangailangan ang gobyerno ng $600 million para mabili ang kumpanyang ito.
More here from PDI.
No comments:
Post a Comment