Ipinagmamalaki ni Pangulong Gloria Arroyo ang umano ay malakas na piso kontra sa dolyar. Iyan daw ang isa sa dahilan kung bakit nasa landas na ng kaunlaran ang ekonomiya ng bayan.
Ewan ko sa kanya. Hindi namin nararamdaman ang epekto ng malakas na piso. Una, hindi naman bumababa ang presyo ng petrolyo, kahit bukod sa lakas ng piso bumaba pa ang presyo ng krudo.
Ang mga pagkain na imported ay mataas pa rin hanggang ngayon.
Katunayan tumataas pang lalo. Noong ang piso ay higit pa sa P55 kontra dolyar, ang Marlboro Lights na smuggled ay 80 sentimos lamang ang isang stick.
Tumaas na ang presyo. Sa ibang tindahan, P1.20 isang stick. Doon sa maliliit ay P1.10.
Kung ang presyo ng mga smuggled na produkto tulad na nga ng sigarilyo ay tumataas sa harap ng lumalakas na piso, malaki ang problema natin.
Ang ibig sabihin niyan ay hindi naniniwala ang mga smuggler na tatagal ang lakas ng piso. Ngayon pa lang nagtataas na sila ng presyo.
Patuloy ang import at smuggling ng marami pang bagay na binabayaran ng dolyar. Pero pataas pa rin ang presyo.
Kung ganu'n, wala pala talaga tayong pakinabang sa lumalakas na piso. Napaparusahan pa nga sa pagtaas ng presyo.
Isa itong misteryo na dapat pag-aralan. Ang lakas ng piso ay artipisyal dahil sa dalawang bagay. Una, marami talaga ang padala ng mga OFW.
Ikalawa, mahina ang demand ng dolyar.
Read the whole thing.
No comments:
Post a Comment