Wednesday, November 02, 2005

I'm scared of EVAT, mommie...

Huwag nang maghugas kamay sa EVAT

Maliban sa paggunita ng buong mundo sa Todos Los Santos, ang araw na ito, Nobyembre 1 ay hindi makakalimutang petsa sa kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng administrayon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bunsod ng implementasyon ng dagdag buwis o ang Republic Act 9337 o ang Expanded Value Added Tax (EVAT).

Ayon sa MalacaƱang, wala nang atrasan ang pagpapatupad sa EVAT dahil wala silang nakikitang rason para hindi ituloy ang pagpapataw nito sa mga piling produkto.

Nilinaw ni Press Secretary Ignacio Bunye na matagal na pinag-aralan ng Kongreso ang mga implementing rules ang regulations ng batas bago ipinasa kaya walang political pressure na makakapaglambot sa posisyon ng gobyernong ituloy ang implementasyon.

Parang kuwestiyonable ang pahayag na ito ng MalacaƱang, dahil naghahabol ngayon sina Senador Manuel Roxas at Congressman Joey Salceda na repasuhin ang RA 9337.

Iginigiit ng dalawang mambabatas na i-exempt sa panibagong dagdag-buwis ang mga produktong petrolyo at kuryente.

Hindi ba’t lantarang panggogoyo sa sambayanang Pilipino ang ginagawang ito nina Roxas at Salceda dahil kabilang sila sa mga nagpasimuno para isulong ang nasabing batas tapos ngayon bumabawi?

Nakakagalit talaga itong ating mga lawmakers, laging atrasado kung kumilos.

Kung noong una pa lamang ay ipinaglaban na nila ang probisyong huwag isama ang produktong petrolyo at kuryente sa EVAT ‘di dapat hindi na sila umaatungal ngayon.


Lalo na’t batid nilang matinding kahirapan ang pinagdaraanan ng bansa ngayon bunsod ng krisis sa langis na dinaranas ng buong mundo.

Anumang pag-atungal ang inyong gawin, wala rin iyang silbi. Natanim na sa isipan ng publiko na kabilang kayo sa nagsulong para maging ganap na batas ang EVAT upang lalo pang pahirapan ang mamamayang Pilipino. Huwag na kayong maghugas-kamay.

Kapag nagbagsakan at nagsara ang mga businesses at factories dahil sa mataas na buwis, we can thank Arroyo for that.

But as long as may perang panggastos ang Arroyo admin at ang mga congressman na kaalyado nito para sa kung saan-saang katarantaduhan, masaya na sila.

Anyway, first sign of EVAT's effect. I was buying a snack sa SM supermarket yesterday, and napansin ko tumaas na ng dalawang piso yung item na yon--from P16.50 (3 days ago, Oct. 30) to P18.50 yesterday, or roughly a 12% increase. Nice.

More here: EVAT = Mass Layoffs?

Nag-iimbak na ang mga tao ng pagkain dahil sa EVAT. this is interesting too:

Lata out, karton in

Samantala, pinapayuhan ang publiko na ihanda na ang sarili sa unti-unting pagkawala ng mga de-latang produkto dahil sisimulan nang i-repack ang mga ito sa karton o tetra pack at foil pouch.

Ito ay bunga ng pagmamahal ng tin products ngayong inilarga na ang EVAT.


Related:

-- GMA naghugas kamay, E-VAT isinisi sa Hyatt 10
-- Gas, Power prices to surge on Nov. 1
-- Largest Pork Barrel in RP history
-- Now, I know where my taxes are going, Thanks Mrs. Arroyo

No comments: