Wednesday, July 13, 2005

Arroyo embraces FVR's ConAss strategy to buy time

GMA bumigay na kay FVR.

Bumigay na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Constitutional Assembly (ConAs) na panukala nina dating Pangulong Fidel V. Ramos at House Speaker Jose de Venecia Jr. na magbibigay-daan sa bagong sistema ng gobyerno at bilang epekto ay maglalagay sa alanganin sa anim na taong termino ng una.

Sa isang press conference kahapon sa MalacaƱang, sinabi ni De Venecia na sa loob ng 10 araw na sesyon ng Kongreso mula sa pagbubukas sa Hulyo 25 ay sisimulan na nila ang proseso ng ConAs at isasabay na rin dito ang pag-eendorso sa impeachment proceedings laban kay Arroyo.

Nabatid kay De Venecia na pumayag na umano ang Pangulo sa paggamit sa paraan ng ConAs para ibukas ang Konstitusyon sa kinakailangang pagbabago. Ito ay makaraang isuko ng Chief Executive ang nauna nitong posisyon na idaan ang ChaCha sa isang Constitutional Convention (ConCon).

Sa pahayag ng Speaker, nanaig umano ang pagiging ‘stateswoman’ ni Arroyo kaya’y ipinasya nitong suportahan ang ConAs na panukala nila ni Ramos

Not so fast GMA. Think you and tabako can pull a fast on us with ConAs? Mmmmmhmmmmm... Mag-resign ka muna.

It's not even yours (of FVR's) to decide whether we should have Charter Change or not since hindi ka naman namin tunay na presidente eh. Let have new elections first shall we, and let the pro-Charter change candidates run on that platform.

Let's see kung kaya nilang manalo without Garcillano.

2 comments:

Anonymous said...

is this the reason why FVR went to thailand? what is his relation with RJ?IF GMA IS PLOTTED TO BE ASSASINATED BY ERAP WHY IS GMA NOT AFRAID OF GOING OUT TO PLACES SUCH AS BAYWALK

john marzan said...

you mean like go to thailand and meet with dana dillon re his brilliant CONASS strategy?