Sunday, July 24, 2005

Sadistang Arroyo

From Ellen Tordesillas:

Bukas, bilang tradisyon, ipepresenta ni Gloria Arroyo sa madla ang kalagayan ng bansa ngayon sa taunang talumpati ng isang pangulo na tinatawag na State of the Nation Address o SONA.

Ano na naman kayang kasinungalingan ang kanyang sasabihin? Ang isang patunay ng kalagayan ng bayan ay ang pagdeklara niya ng July 25 na holiday sa Metro Manila.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, ngayon lang nangyari na ginawang holiday ang araw ng SONA. Sabi ni Ermita, para raw mapanood at makapakinig ang mga tao ng SONA.

May pagka-sadista talaga itong si Gloria Arroyo at ang kanyang mga kampon. Hirap at galit na nga ang taumbayan, sasabihan pa niyang makinig sa kanyang kasinungalingan.

At bakit Metro Manila lang ang kanyang pinapakinig ng kanyang SONA? At totoo, kaya niya dineklarang holiday ang July 25 ay para hindi makapag-ipun-ipon ang mga tao para sumali sa rally. Takot sa taumbayan.

Maraming kumpanya ang nainis sa biglaang pagdeklara ng holiday dahil sa apektado ang kanilang trabaho at serbisyo sa kanilang mga kliyente. Ang mga nagsasahod ng arawan ay kawawa rin dahil isang araw na wala silang kita. Ang mga kumpanya na kailangang magbukas ay magbabayad ng mas mahal sa kanilang mga empleyado.

Ganyan kapag praning na ang nakaupo sa MalacaƱang.

Bakit sa metro manila lang? And why the holiday? Para marinig ng mga taga-MM ang mga kasinungalingan ni Gloria Macapagal Arroyo?

3 comments:

Anonymous said...

nice skin. magandang basahin ang blog mo. thanks changing the skin

john marzan said...

thanks too, eyes.

Anonymous said...

di ko lubos maisip kung papaano na ang magiging bukas ng ating bansa. tama ka kapatid, takot sa taong bayan si gloria! ang KAPAL ng KALYO sa paa ni gloria ay lumipat na sa kanyang mukha.