Here's the article:
Susan, Cory, Ping sa July 13 rally
(Rey Marfil/Bernard Taguinod)
Kinumpirma ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang kahandaang dumalo sa malaking rally bukas, Hulyo 13, upang samahan ang biyuda ng yumaong si Fernando Poe Jr. at ipagwagwagan ang pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Unang lumutang ang pangalan ni Susan Roces bilang isa sa mamumuno ng rally sa Ayala, Makati City habang patuloy pang kinukumbinse ng grupo ni Makati Mayor Jejomar Binay si dating Pangulong Corazon Aquino, dating boss nito.
Hindi rin makapagbigay ng kumpirmasyon si Lacson kung makakasama sina Roces at Mrs. Aquino sa rally dahil wala pa aniyang konkretong napag-uusapan ang grupo kung saan nakatakdang gawin ang pulong ngayong araw.
"Pag-uusapan namin. We will discuss tomorrow kung ano ang gagawin. Basta malaking rally. Bukas ko malalaman kung sasali ako o hindi," ani Lacson.
Samantala, naniniwala si Parañaque Rep. Roilo Golez na matitriple pa ang bilang ng mga demonstrador sa lansangan dahil sa puwersa ng mga nagbitiw na gabineteng sina dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman at Presidential adviser on peace process Sec. Ging Veles.
Ayon kay Golez, hindi matatawaran ang puwersa ng dalawa dahil ang mga ito ang ipinantapat ni Arroyo sa puwersa ni dating Pangulong Joseph Estrada noong May 1, 2001 Malacañang siege.
More on the big rally planned tomorrow.
Inaasahang isang mas malaking rally ang bubulaga sa pamahalaan bukas (Miyerkules) dahil magsisilahok na ang mga empleyado ng ilang ahensya ng pamahalaan sa panawagang magbitiw sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kasama ang Confederation for Unity, and Advancement of Government Employees (Courage), inilunsad kahapon ang RAGE 2 Resign (Resign All Government Employees 2 Resign Arroyo).
Naniniwala si Courage president Ferdinand Gaite na panahon na upang isanib ang boses ng mga kawani ng gobyerno sa iba pang sektor na nagsusulong ng pagbaba ni Arroyo.
Kaugnay nito, isang broad coalition rally ang ilulunsad sa Makati Central Business District kung saan hindi lamang mga taga-oposisyon at pro-FPJ supporters ang inaasahang dadalo kundi maging ang ilang sorpresang personalidad na kilalang kaalyado ng Pangulo.
Ayon kay United Opposition (UNO) spokesman Lito Anzures, ilang national democrats umano ang sorpresang sisipot sa naturang kilos-protesta laban kay Arroyo at mga kilalang supporters ito ng huli.
Ayon sa militanteng grupong Pamalakaya, hindi magpapalabnaw sa kanilang paninindigang pagbitiwin si Arroyo sa Malacañang ang pagtanggi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na suportahan ang 'resign call'.
Samantala, minaliit naman ng Philippine National Police (PNP) ang bantang malaking pagkilos sa Makati bukas at tiniyak na nakahanda silang tutukan ito upang masigurong magiging mapayapa ang naturang pagtitipon.
3 comments:
boycott companies of makati business club who do not support the mbc stand for gma resign. they are as follows:
1. aboitiz clan
2. agustines, manuel
3. alcantara, tomas and clan
4. antonio, jose
5. apacible, tom
6. araneta, carlos and benito
7. arnaiz, ramon
8. arroyo, eduardo
9. castillo, benjamin
10. chua, david
11. chua, francis
12. cuyegkeng, ernest
13. reynaldo, david
14. florentino, priscilla
15. go, dante
16. huang, anthony
17. kahn, andre
18. leuterio, rommel
19. liong, arnold
20. martinez, fernando
21. moraza, jose mari
22. nanagas III, vitaliano
23. onate, noel
24. palanca, carlos
25. rason, enrique
26. romualdez, benjamin and ferdinand and jose manuel
27. samia, armando
28. uy, henry
29. yuchengco, vivian
please give us also the name of political figure who do not support the mbc stand for gma resign.
please give us also the name of political figure who do not support the mbc stand for gma resign.
I think its easier to name those political figures who are for GMA's resignation. They are:
1) all the members in the political opposition
2) Cory Aquino
3) a significant majority of the Liberal Party
And the rest not listed there I assume are still pro arroyo, lalo na ang mga ramos boys (LAKAS).
Post a Comment