Wednesday, October 05, 2005

The Arroyo Empire Strikes back

Gumaganti na ang Arroyo admin sa mga taong kumokontra sa kanya, ONE BY ONE.

First, there's the DOJ USEC who got fired for not cooperating with Malacanang's plan to reward anti-impeachment congressmen.

Then there's the revival of the Hacienda Luisita issue vs Cory Aquino, who called for the fake president's resignation.

Now this arrest order against Bro. Eddie, another Arroyo critic.

President Arroyo's political foes are being rounded up, one by one, with the latest target being the Jesus Is Lord televangelist Bro. Eddie Villanueva, who has been ordered arrested by the Department of Justice (DoJ)....

The arrest order on Villanueva,JIL founder and a former presidential candidate, was issued in connection with his indictment for estafa before a Mandaluyong court and personally endorsed by Justice Secretary Raul Gonzalez in a one-page letter to NBI Director Reynaldo Wycoco dated Sept. 27, 2005.

And this part is interesting:

Villanueva was charged with estafa after a complaint against him was lodged by his business partner, Benito Araneta, cousin of Mr. Arroyo.

The two were once business partners in the Zoe tv, channel 11.

On the part of MalacaƱang, both Press Secretary Ignacio Bunye and secretary to the Cabinet Ricardo Saludo denied charges that the First Couple are behind the arrest order.

Bunye advised Villanueva to abide by the process while emphasizing that the incident is a private matter.

“This is a private matter and this involves private parties so we do not wish to interfere. What's important is for the concerned parties to abide by the process,” Bunye said.

Neither Malacanang nor the Justice Secretary could explain why Villaneuva's arrest was being effected only now, when this same case was brought up during the presidential polls.

Yeah, bakit ngayon lang binuhay ito?

But Faaip_de_oiad of Pinoyexchange asked:

Eh yung Garci tapes, why just now?

eh, this year lang natanggap ng opposition yung "hello garci" tape sa mga ISAFP wiretappers eh.

OTOH, what's the admin's excuse kung bakit ngayon lang ito lumabas?

Maybe the timing of Villanueva's arrest order had something to do with this?


Kasamang nagdasal ni Bro. Eddie Villanueva ang mga pro-impeachment congressmen at ilang miyembro ng Hyatt 10 matapos parangalan ang dalawang grupo na bumangga kay Pangulong Arroyo. (Ramon Estabaya)

Oct. 3, 2005

SIGAW SA JIL ANNIVERSARY: GIBAIN SI GLORIA!

Tonite Reportorial Team

------------------------------------

Magkahalong pakikibaka laban sa kasalukuyang administrasyon, pagmamahal sa bansa, at pagsugpo sa malawakang korapsyon at katiwalian sa bansa ang naging sentro ng ika-27 anibersaryo ng Jesus Is Lord (JIL) sa Quirino Grandstand ng Luneta Park kagabi.

Kulang na lamang ay pangalanan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang mga galamay sa iwinawaksi ng mga tagasunod ng JIL na sinamahan ng mga pro-impeachment solons at mga gabineteng tumiwalag sa administrasyon na tinaguriang "Hyatt 10".

Pagbagsak ng ‘Walls of Jericho’ ang naging sentro ng okasyon, kung saan sa kanyang talumpati, tinukoy ni JIL leader Bro. Eddie Villanueva ang "seven walls" ng pamahalaang Arroyo na tiniyak nitong babagsak sa lalong madaling panahon.

Ang pagpapabagsak sa "seven walls" ng gobyernong Arroyo na tinutukoy ni Villanueva ay kinabibilangan ng political corruption, political immorality, cowardice and ignorance, covetousness and greed for money, poverty, at pride and arrogance na umano’y nananaig sa bansa.

Sinabi ni Villanueva na ang "seven walls" na umiiral ngayon sa pamahalaang Arroyo ang lalong nagpapahirap sa bansa at sa pamamagitan ng isinagawang prayer rally ay kanyang tiniyak na babagsak ang ‘pitong pader’ ni Arroyo.

Parangal sa Hyatt 10 at pro-impeachment

Ginawaran din ng dasal at parangal ng JIL, sa pangunguna ni Villanueva, ang mga pro-impeachment solons at mga tumiwalag na gabineteng tinaguriang "Hyatt 10".

Bilang parangal sa dalawang nabanggit na grupong bumangga kay Pangulong Arroyo, sinabi ni Villanueva sa kanyang dasal na "hindi sila nagpabili ng kanilang prinsipyo, hindi nila inalintana ang kanilang career", at ang kanilang sakripisyo ay hindi dapat masayang.

Dumalo rin sa pagtitipon at tumanggap ng basbas mula kay Villanueva si Susan Roces na nagbigay ng suporta sa ipinaglalaban ng JIL.

Bilang ganti, inilatag naman ng oposisyon, sa pangunguna ni House minority floor leader Francis Escudero ang House Resolution No. 99 na naglalayong kilalanin ang kontribusyon ng JIL sa kabutihan ng mga mamamayang Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo at kontribusyon ni Villanueva sa pagwawasto ng kamalian at pagpapalambot sa matitigas na puso.

Bagong lider, malapit na

Kasunod nito, sinabi ni Villanueva na malapit nang magkaroon ng bagong lider ang bansa, babae o lalaki na may pusong malapit sa Diyos.

"Naniniwala po tayo na ang spiritual power, the power of God is much greater than all political power," ayon pa kay Villanueva.

"Let there be a revolution of young military," ito naman ang panalangin ni Pastor Gemeliano Henares na nagsabing may mga miyembro ng militar ang naniniwala sa Diyos.

Sinabi ni Henares na ang rebolusyon ng mga batang militar ay nalalapit nang maganap matapos na mamatay ang pangarap ng taumbayan noong Mayo 8, 2004 na magkaroon ng mahusay na lider ng bansa.

"Today that dream is coming back again and it will not die anymore," ani Henares.

May pag-asa pa

Magwawakas din ang masamang kapangyarihan sa bansa. Ito ay sapagkat kayang ibagsak at wasakin ng Diyos ang kuta ng kaaway.

Ito naman ang binigyang-diin ni Bishop Dan Balais na nagsabing "ang nararanasan po natin ay magwawakas sa bansang ito na tatanghaling isang matuwid na bansa".

Ang pag-asang ito ay nag-uugat umano sa prophetic visions, kung saan bubunutin ng Diyos ang pundasyon ng kasamaan.

Kaugnay nito, sa pagtataya ni Supt. Edgar Danao, hepe ng Manila Police District-Intelligence and Investigation Division, ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng may 75,000 katao bagama’t sinasabi ng mga tagapanalig na mas mataas pa sa bilang na ito ang mga dumalo. (With Lily Reyes/AP)

No comments: