Newsflash! Newsflash!
Ngayong papasok na buwan ng Nobyembre ay madadagdagan ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa kinukonsumo nating kuryente. Sa average na kuwenta, papalo sa 42.78¢ kada kilowatt hour (kWh) ang magiging dagdag na singil sa lahat ng residential, general service customers at may konti ring adjustment sa small industrial customers.
Ano na naman ito?! Eksaktong reaksyon ng marami.
Hindi presyo ng langis o galaw ng piso kontra dolyar ang nagdidikta ng pagtataas na ito sa singil sa kuryente ngayong Nobyembre kundi ito’y dikta ng batas.
Minamandato kasi ng batas, ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (Epira), ay aalisin na ang inter-class cross-subsidies na tinatamasa ng mga maliliit na konsumer tulad ng mga residensyal at general service customers. Ngayong buwan makukumpleto ang sinimulang tanggal subsidy kaya’t pagpasok ng Nobyembre ay wala nang diskwentong makukuha ang pinakamalaking porsyento ng konsumer ng Meralco.
Tila hindi nabibigyan ng prominence sa mga telebisyon, radio at maging sa mga pahayagan ang balita. Walang kamalay-malay ang milyung Meralco consumers na tataas na naman ang power rate simula sa konsumo ngayong Nobyembre.
Read the whole thing.
No comments:
Post a Comment