Tuesday, August 09, 2005

Bagong "Witness Prevention Program" ng Arroyo administration

Heh:

Mayroong bagong programang pinagkakaabalahan ngayon ang pamahalaang Arroyo: ang witness prevention program.

Ito ang pambubuska kahapon ng oposisyon bilang panunuya sa WPP o witness protection program ng gobyerno.

Sa ngayon, ayon kay impeachment team spokesman at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, hindi na umano pinoprotektahan at pinangangalagaan ang mga testigo kundi ‘binibili’ para bumaligtad.

Idinagdag pa ni Cayetano na hindi lang pera ang inaalok sa mga testigong tumatayo laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sanga-sangang eskandalong lumulumpo rito kundi pati trabaho at pabahay. Ang kapalit lang ay ang pag-atras ng mga ito sa pagtestigo laban sa Pangulo.

Kahapon ay isa na namang jueteng witness ang bumaligtad sa katauhan ni Demostenes Abraham Riva. Si Riva na taga-Bgy. Rawis, Legaspi City, ang nagsasangkot noon kay presidential adviser on Bicol Affairs Mario Espinosa na diumano’y tumatanggap ng P150,000 kada buwan mula sa jueteng operators ng Bicol Region.

Tulad ng unang jueteng witness na kumambyo na si Richard Garcia, humingi rin ng tawad si Riva sa Pangulo, "Madam President, I am sorry. Na-mislead po ako. Ako’y humihingi ng dispensa sa taumbayan."

Gaya rin ni Garcia na iniharap din noon ni Pasay City mayoralty candidate Ding Santos, si Sen. Panfilo Lacson din ang idinidiin ni Riva na nagmaniobra sa kanyang testimonya laban kay Espinosa para matumbok ang First Family.

Naniniwala si Senate minority leader Aquilino Pimentel Jr. na malaki ang kinalaman ng malawakang ‘operasyon’ ng tanggapan nina First Gentleman Mike Arroyo at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno sa pagbabaligtaran ng mga testigo.

Sa gitna ng mga pagbabaligtarang ito ng mga testigo, lilikha ng ‘kontra-balimbing’ na taktika si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz upang hindi na madagdagan pa sina Garcia at Riva. Ito ay ang masusing pagkilatis sa katapatan at katatagan ng pagkatao ng bawat testigo.

LMAO!

More here:

Itinuturing ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na pinakamaruming naging presidente ng bansa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa paggamit umano ng dirty tricks para maisalba ang kanyang sarili at pamilya mula sa mga kinasasangkutang kontrobersya.

Kasabay nito, sinabi ni Willy Marbella, internal deputy secretary general ng KMP, na mistulang nagtatayo ng "witness for sale industry" ang administrasyon dahil naging eksperto na umano ito sa paghawak ng mga testigo na tulad nina Udong Mahusay, T/Sgt. Vidal Doble at ang pinakahuli ay si Richard Garcia at Demostenes Abraham Riva.

Gayunpaman, sinabi ng KMP na nagkakamali ang MalacaƱang sa kanilang pag-aakala na makakatapos ng termino si Arroyo sa pamamagitan ng kanyang dirty tricks dahil lalo lamang umanong kamumuhian ang rehimen nito.

Plus, Lito Banayo analyzes the Richard Garcia turnaround. The article is a must read.

1 comment:

Anonymous said...

hay naku!!!!cge na nga! Si rose buds na lang ang nagsasabi ng totoo!kahit na puro dakdak lang siya against Sen. Lacson ng wala man lang maipakita ni isang matibay na ebisensiya! sabitan natin ng medalya itong si rose buds. na may bomba!!!!!!!!!!!!!1