Wednesday, August 17, 2005

Angara at Enrile out na sa opposition

From Abante-tonite:

Tuluyang isinara ng opposition bloc sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pintuan para sa dalawang kasamahan, patunay ang pagkaka-itsapuwera sa iba’t ibang pagpupulong at aktibidades ng grupo.

Bagama’t kapwa inaangkin nina Senador Juan Ponce Enrile at Edgardo Angara ang pagiging oposisyon, hindi itinuturing ng grupo ni Senate minority floor leader Aquilino Pimentel Jr. na kasama sa kanilang hanay ang mga ito.

Ayon kay Pimentel, matagal nang nilisan ni Enrile ang minority bloc matapos ang mainitang salpukan sa botohan ng expanded value added tax (eVAT) kung saan isinuko ng dating kasamahan ang bersyon ng oposisyon.

Hindi naman aniya magawang sumilip sa pintuan o kaya’y makilahok ni Angara sa minority caucus dahil walang imbitasyon na ibinibigay ang kanyang opisina lalo pa’t meron itong ‘kaaway’ sa loob ng organisasyon na iniiwasang makaharap at makatabi ng upuan, partikular si Sen. Panfilo Lacson.

Long overdue na yan.

2 comments:

Anonymous said...

Obvious naman na peke itong dalawa.

Anonymous said...

kainis. that angara and that enrile ... whatta shame. walang paninindigan. di niya alam kung uwak ba siya o kalapati. ayaw makisali sa giyera pero makisawsaw naman resulta ng pagkapanalo.

kapal muks.

kaya dapat lang OUST enrile and OUST angara na talaga.