Dito sa impeachment, walang panalo si Gloria Arroyo.
Kung matutuloy at maging matagumpay ang impeachment, talsik sa pwesto si Arroyo. Makukulong pa katulad ni Joseph Estrada. Kasama pa ang kanyang asawa at anak.
Kung mahaharang naman nila sa pamamagitan ng pagbili ng mga kongresista at mga senador, magagalit ang mga tao.
Ang impeachment na lamang ang huling legal na paraan para lumabas ang katotohanan noong 2004 election. Nakita natin kung paano binale-wala ng Kongreso sa pamamagitan ng "Noted" nina Raul Gonzalez at Kiko Pangilinan ang mga reklamo ng mga oposisyon tungkol sa dayaan sa panahon ng national canvassing.
Binasura rin ng Korte Suprema ang election protest ni FPJ na ipagpatuloy sana ng kanyang maybahay na si Susan Roces. Kaya ito na lamang impeachment ang natitirang legal na paraan.
Kaya naman ang oposisyon ay pinipilit na idaan ang lahat sa legal para ipakita sa tao na sila ay sumusunod sa batas. Ngunit sino ang bumabaluktot sa batas para mapagtakpan ang pandaraya at katiwalian?
Pinipilit ni Arroyo na mapatay ang impeachment complaint para maipagyabang niya sa kanyang pagpunta sa Amerika na panalo siya. Kaya naman parang shopping mall ang Kongreso sa bilihan ng kongresista. Siyempre pera natin ang ginagamit.
Kapag pinatay nila ang impeachment, sa lansangan ang punta ng mga tao. Baka mapadali pa ang pagpatalsik kay Arroyo.
Tuesday, August 30, 2005
Killing the impeachment complaint
From Ellen Tordesillas:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment