Thursday, August 25, 2005

Arroyo the Gatecrasher

From Ellen Tordesillas:

Si Archie Yap ay nagtatanong kung nag-gatecrash nga ba si Gloria sa death anniversary na misa ni Ninoy Aquino. You bet, Archie. Sabi ng kaibigan ko na nandoon, nagpasabi siya gabi ng Aug. 20 na darating kahit hindi siya inimbita. Bitbit niya siyempre ang kapatid ni Ninoy Aquino na ngayon ay ang kanyang image consultant, ang film director na si Lupita Aquino-Kashiwahara.

Tensyunado raw ang atmosphere habang nandoon siya. At para lang talaga magpakuha ng picture na nagbebeso-beso kay Cory Aquino at sa ilang miyembro ng Hyatt 10. Pagkatapos noon umalis na. Narinig ang isa niyang kasama na nagsalitang natatawa, "O di ba okay? Simple lang."

Akala talaga nila naloko nila ang madlang Pilipino.

No comments: