Ibinunyag ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora na palalabasin ng kampo ni Arroyo na mayroong tatlong impeachment complaint at kikilalanin bilang unang kaso ang isinampa ni Atty. Oliver Lozano, pangalawa ang ihinain ni Atty. Jose Lopez, at pangatlo ang amended complaint ng oposisyon.
Sinabi ni Zamora na pagsisimulan ng debate ang mga kasong ito dahil ayaw kilalanin ng administration bloc ang amended complaint ng oposisyon bilang unang kaso kahit pumayag na si Lozano na amyendahan ang kanyang reklamo.
Kapag lumagpas aniya ng dalawang minuto ang imbestigasyon kung mayroong form and substance ang nasabing reklamo, nangangahulugan na idinadaan na sa technicalities ang kaso para patayin ito.
"Dapat wala ng debate...two minutes is enough dahil aalamin lang naman kung totoo ang lagda ng mga endorsers. Ang problema, mukhang ibabato sa amin ang iba’t ibang issue," ani Zamora.
More here (english version).
Read this too.
- Election fraud in the ARMM elections
- More on the "Bridges to Nowhere" scam.
- NBI exec says wiretap equipment was working
No comments:
Post a Comment