Sunday, October 02, 2005

Hello Garci computer games

Masubukan nga ito:

Matapos ang "Hello Garcia ringtones" para sa mga mobile phones, nakatakda na ring ilunsad ng mga militanteng estudyante ang "Hello Garci computer games" bilang isang paraan laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

"Before we had Hello Garcia ringtones, Now software engineers and college students are finalizing the Hello Garci computer games which will be the next craze among the youth. Our protests are being more sophisticated" ayon sa pahayag ni Raymond Palatino, spokesman ng Youth Dare.

Ayon sa grupo, ito ang pinakabago nilang paraan upang ilunsad ang malawakang protesta at pagbibigay impormasyon sa kabataan upang mamulat at makilahok sa krusada para sa pagpapatalsik kay GMA sa puwesto.

Makabili nga nyan. O baka free download siya?

No comments: