Friday, August 19, 2005

"Pagbabatiin" raw ni Mike Velarde si Erap at GMA

Herman Tiu Laurel has the report:

There are rumors of court bail in the works, allegedly being worked out by El Shaddai leader Mike Velarde. The story is that Velarde has invited President Estrada to attend onstage the religious leader's birthday commemoration at the group's regular Saturday “gawain” or “works,” which is a gathering of the flock. In this gathering, which happens to be tomorrow Aug. 20, Velarde supposedly will bring Gloria Arroyo on stage too and make the two shake hands. The bail, according to the grapevine, is the quid pro quo from Gloria for the handshake.

If this rumor is true I would have one advice for President Estrada: don't take the offer.

I agree. Gimik lang ito ni Velarde at GMA para makuha ni Arroyo ang masa supporters ni Erap.

More here:

Gloria binawalang makipagbati kay Erap

Mismong mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga humaharang sa reconciliation process na kanyang itinutulak matapos itong pigilan sa pagdalo sa El Shaddai rally bukas, araw ng Sabado.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE, kapwa inimbitahan ni Bro. Mike Velarde sa kanyang kaarawan kasabay ng malaking prayer rally sa Luneta bukas sina Arroyo at dating Pangulong Joseph Estrada.

Nais umano ni Velarde na gamitin ang kanyang kaarawan para mapagbati sina Estrada at Arroyo kaya inimbitahan ang dalawang lider subalit umatras ang huli matapos makumpirmang dadalo si Estrada.

Ayon sa impormasyon, dalawang indibidwal na malapit kay Arroyo ang nag-paatras sa pagdalo nito sa naturang prayer rally matapos payagan ng Sandiganbayan si Estrada na dumalo sa nasabing okasyon.

Wala umanong nagawa si Arroyo nang tawagan siya ng dalawang matalik na kaibigan na ang isa ay aktibong lider sa bansa habang ang isa ay tumatayong adviser na lamang. Gustuhin man umano ni Arroyo na dumalo, wala itong magawa kundi sundin ang payo ng dalawang kaibigan kaya ipinabatid agad ng Malacañang sa pamunuan ng El Shaddai na malabong makadalo ang Pangulo. Sumama umano ang loob ni Velarde sa naging desisyon ng Malacañang.

2 comments:

Anonymous said...

isa pa yan na dapat magbago na ng buhay. ginagamit ang Diyos sa sariling kapakanan.

Anonymous said...

i believe erap won't take this pang eengaño. this is another work of deception ni GMA!

if erap accepts that, its just the same as accepting na lahat ng pinaglalaban ng opposition tungkol sa mga kawalang hiyaan ni manang glo ay pawang gimik at pangsariling interest lamang. kainis.