Wednesday, August 03, 2005

“Those who have money, they can buy their witnesses."

- Gloria Macapagal Arroyo, responding to allegations of cheating and corruption.

She should know.

Anyway, the truth will out in the end:

Sa kanyang interview sa Sentro-ABC 5, tinanong si Gloria Arroyo tungkol sa napabalitang bigayan ng pera sa mga Comelec officials sa bahay mismo ni Arroyo sa La Vista, Quezon City noong May 2004 elec-tions.

Kasama raw roon sa meeting, na inayos ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, si Lilia Pineda, asawa ni Rodolfo "Bong Pineda, ang jueteng king. Si Pineda raw ang namigay ng pera.

Hindi nag-deny si Arroyo tungkol sa miting. Sabi lang niya, "Ang masasabi ko, walang nagbigay ng suhol sa harap ko."

Kaya maaaring lumabas siya sa kuwarto na pinagmimitingan nang magbigayan. Ngunit hindi ibig sabihin noon, wala siyang kinalaman.

Ito ay unang nabulgar nang sinabi ni dating Isabela Gov. Faustino Dy Jr. na nandoon din daw sa miting. Kahapon lumabas si Michael Angelo Zuce, empleyado sa opisina ni Presidential assistant for political affairs Joey Rufino. Nandoon din daw siya sa miting at kinumpirma ang miting.

Ito ay nagpapatibay lamang na kahit anong tago ng isang krimen, lalabas at lalabas ang katotohanan.

Read this too from Lito Banayo.

2 comments:

Anonymous said...

Very true statement. I am quite sad that people have forgotten what is the purpose of our life. I do not understand why she is so obsessed with power and money. I can only pray for her.

Anonymous said...

at nakakatakot pa. laging nagpapa photo ops na nasa simbahan at kunyari nag darasal. nyayyyy!