Tuesday, October 05, 2004

FVR must explain himself to the Filipino people

May tanong si Ducky Paredes kay Tabako:

Kahit ano pa ang ating pag-iisip tungkol kay Fidel V. Ramos, walang makakapagsabi na ang dati nating Presidente'y bobo, estupido o tanga. Isa itong inhinyero at isang heneral ng Sandatahang Lakas ng bansa. Matindi ang utak ni FVR.

Kaya, dapat lamang nating tanungin kung bakit siya pumayag na magsagawa ng napakaraming IPPs (Independent Power Producers) at PPA (Power Purchase Agreement) kung saan binibili natin ang kapasidad ng mga plantang IPPs (kahit ito'y gamitin o hindi gamitin). Hindi niya kaya nakita na talung-talo ang bansa sa ganitong klase ng kontrata?
Good Question. Here's Why.

Sa lumilitaw ngayon sa mga dokumentong nakalkal ng Senado galing sa National Power Corporation, marami sa mga plantang IPPs ay mas mataas ang kuryenteng galing sa mga ito kaysa sa maaaring singilin ng NPC sa mga kliyente nitong Meralco at mga iba pang pribadong electric company, mga electric cooperative at iba pa.

Papaanong hindi malulugi ang NPC kung ang singil sa kanila ng IPPs (gaya nang sa San Roque, na sumisingil sa NPC nang P18.00 bawat kilowatt-hour, gamitin man o hindi) ay mas mataas kaysa sa maaaring singilin ng NPC (na sa ngayon ay P2.30 lamang!)? Sa bawat kilowatt-hour, nalulugi ang Napocor ng P16.00! Ito ay mayroong 1,000,000 kilowatt. Ang lugi ng Napocor sa bawat araw na 24 oras ay (P16.00 x 1,000,000 kw x 24 oras) P384 milyon! Sa isang buwan, nasa P1.0 bilyon na ang nalugi sa Napocor sa plantang ito!

Noong pumirma sa Ramos sa ganitong mga kontrata, pinag-isipan kaya niya ito o tinuloy na lamang, 'ika nga, without thinking? Kahit naman siguro mayroong pagkabobo ang isang tao, malalaman niya na kung sa bawat kilowatt-hour ay malulugi ang NPC, tiyak na sa dami ng kilowatt-hour na ibinebenta nito'y tiyak na matatalo ang NPC.

Papaanong kikita ang NPC kung ang binabayaran niya sa kuryente ay hindi niya kayang bawiin sa sisingilin niya sa mga bibili sa kanya ng kuryente? Kahit na ang mga sira-ulo ay maiintindihan ang ganito. Papaanong nakalusot ang ganito sa isang inhinyero, at heneral ng ating Sandatahan Lakas na naging Presidente pa natin?
Nakalusot ito dahil si Tabako ang mastermind nito at siya yung kumita ng malaki sa mga onerous IPP contract signings.




No comments: