Now we know it's just PR stunt to increase GMA's "pogi points."
From Abante-Tonite:
Gloria allies kabado kay ErapHow can the opposition trust this administration kung ingratitude lang ang ipapakita ng mga kaalyado ni GMA kay Erap?
Aminin man o hindi, tila kabado ang mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagsawsaw ni dating Pangulong Joseph Estrada sa paghihirap na nararanasan ngayon ng mga Filipino.
Hindi nagustuhan ng mga alipores ni Arroyo tulad nina Cebu Rep. Antonio Cuenco at Davao Oriental Rep. Mayo Almario ang pagsakay ni Estrada sampu ng mga kasapi ng oposisyon sa problema ng bansa.
Sa halip na pasalamatan ang dating pangulo sa pagsisikap nitong matulungan ang sambayanan na umano’y pinapabayaan ni Arroyo, umapela si Almario kay Estrada na isauli na lamang nito ang umano’y P60 bilyong ninakaw sa bayan kung saan isinangkalan ng kongresista ang alegasyon ni Ilocos Sur Rep. Luis "Chavit" Singson, para makatulong aniya sa anti-poverty movement.
Subalit para sa mga kaalyado ni Estrada sa Kamara, kabado lamang ang mga alipores ni Arroyo dahil sa pagtulong na ginagawa ng dating pangulo sa sambayanang Filipino.
Ayon kay Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, posibleng nagseselos ang administrasyon dahil hindi inaakala ng mga ito na patok ang pag-tulong ni Estrada kahit na-kakulong ito.
No comments:
Post a Comment