3 tax measures ipapasa bago mag-ChristmasSo desidido na kayong taasan ang buwis namin. Pero ano na ang nangyari sa promise mo JDV na ia-abolish nyo raw ang "pork barrel" for 2005???
Ito ang tiniyak ni House Speaker Jose de Venecia Jr. kasabay ng pagsisimula ngayon ng pagsalang sa plenaryo ng panukalang indexation of sin taxes o ang pagbubuwis sa mga sin products tulad ng alak at sigarilyo.
Bukod sa sin taxes, kabilang sa inaasahang ipapasa ng Kamara ay ang panukalang rationalization of fiscal incentives at lateral attrition na siyang magpapabuti at magrereporma sa tax administration.
Ayon kay De Venecia, inaasahang maipapasa ang tatlong panukala nang hindi lalampas sa Nobyembre 17 upang agad itong maipadala sa Senado at mabigyan ng sapat na panahon ang pagtalakay rito upang sa Christmas break ng Kongreso ay pasado na ang mga ito.
Naniniwala si De Venecia na hindi na dapat patagalin ang pagpapatibay sa mga nasabing panukalang pagbubuwis dahil ito’y napakahalaga para sa kinakaharap na fiscal crisis ng bansa.
Sa panig ni majority Leader Prospero Nograles Jr., sinabi nitong inaasahan ng liderato ng Kamara ang pagpasa ng mga panukalang batas ngayong buwang ito upang agad na maisampa sa Senado nang mabigyan ng sapat na panahon ang mataas na kapulungan na pag-usapan ito bago sumapit ang Christmas recess.
Ayon naman kay Rep. Jesli Lapus, chairman ng House ways and means committee, ang krisis ng bansa ay lalong lumulubha kaya ang ways and means panel ay puspusang kumikilos at nakapagsagawa na rin umano ng 17 pagdinig simula noong buwan ng Setyembre dala ang hangaring mapabilis ang pag-apruba sa mga panukala.
Monday, October 25, 2004
Hindi magiging masaya ang Christmas natin this year.
Tataasan na ng mga buwaya ang buwis natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment